kabanata 31

22 3 0
                                    


KABANATA 31

After two years

"Ada, plss kumain kana."

Rinig kong sabi ni Kuya Jordan pero umakto lang ako na wala akong nadinig. Tulala lang ako sa higaan ko.

"Ada, I know hanggang hindi mo pa din matanggap ang Lahat pero nandito pa naman ako oh. Plss lumaban ka naman. Nandito si kuya jordan." Nagsusumamo nitong sabi ng hindi ako sumagot.

"Little sis, bumalik kana. Bumalik kana sa akin." Hawak hawak nito ang kamay ko. "Sa tingin mo ba, kung nakikita ka niya na nagkakaganito matutuwa. Ada hindi ni Lyn gugustuhin na makita nagkakaganito ka."

Si lyn. Nang marinig kong muli ang pangalan Niya ay hindi mapigilan ng mga mata ko na kusang bumuhos ang  luha sa mga mata ko.

"Si lyn... K-kasalan ko kung bakit nawala siya. Adalynn." Napabangon ako at napaupo. Niyakap ko ang sariling katawan at umiyak lang ng umiyak.

Kasalanan ko kung bakit nawala siya. Kasalanan ko. Kung sana hindi kona siya kinausap. Sana, sana hindi siya nawala. Sana kahit nasa malayo ko lang siya nakikita edi sana buhay pa siya. Kasalanan ko. Kasalanan ko..

Kasalanan ko kung bakit nawala ang kakambal ko. Kasalanan ko iyon.

Dalawang taon na ang nakakalipas pero heto ako ngayon ay sinisi ko pa din ang sarili ko. Hindi ko matanggap na kaya siya nawala ay dahil sa akin.

"Ada." Mahinang tawag nito sa akin.

"Alam mo ba, Si adalyn. Nung 10th birthday namin, ayun ang pinakamasayang araw namin dalawa. Dinala kami ng mga magulang namin sa pinakagusto namin lugar. Ayun ang kaarawan na huli kaming magkasama kami sa birthday namin. Ayun ang Araw hindi kona na pala siya makakasama sa birthday naming dalawa. Kung huli na pala namin na magkakasama sa birthday namin ay sana, wala akong sinayang na sandali na kasama siya. Sana sinulit kona, sana buong araw ko siya niyakap."

"At yung pagkikita namin, sana sinabi ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Sana sinabi ko sa kaniya yung mga bagay na hindi ko masabi sa kaniya." Kwento ko sa kaniya habang umiiyak at tulala lang sa kawalan.

"Adalyn, kakambal ko." Mahinang tawag ko na para bang nasa harap ko siya.

Parang dinudurog ang puso ko habang nagdadaan ang mga oras at sandali na wala si Adalyn. Patay na siya, iniwan Niya na ako. Wala na ang kakambal ko at kasalanan ko iyon.

"Adaliata, nandito pa ako. Hindi kita iiwan, nandito ako." Mahigpit niya akong niyakap.

Wala akong nagawa at mas lalong lang umiyak.

"Adalyn... Ang kakambal ko."

°°°°°°

Araw Araw akong dinadalhan ni kuya jordan ng pagkain. Kinakausap niya ako kahit tulala lang ako at hindi nagsasalita.

Nagkukuwento ito sa araw araw na nangyayari sa kaniya. Sa tuwing umiiyak ako niyayakap lang niya ako at hinahagod ang likod and hinihimas niya ang buhok ko hanggang sa makatulog ako.

Kahit sa pagtulog ko ay  binabangungot pa din ako ng nakaraan. Yung araw na sinunog ni Bella ang katawan ng kakambal ko sa mismong harap ko. Araw araw kong sinisini ang sarili ko at laging nandun si kuya jordan na hindi ako iniiwan.

Pero ang araw na ito ay kakaiba. Dahil wala si kuya Jordan. Nagpaalam siya sa akin na aalis daw siya at may sasaglitin lang daw.  Wala akong naging sagot duon at hinayaan ko na Lang siya umalis. Hinalikan Niya ako sa nuo bago nagpaalam.

Nakaupo lang ako sa kama na kinahihigaan ko at tulala lang.

Nakatulala lang ako sa pintuan ng biglang bumakas iyon. Sa sandaling iyon ay nagkaroon ng buhay ang buong pagkatao ko. Nakita kong muli si Lyn na tinatawag akong lumabas.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon