Kabanata 34

24 3 7
                                    


KABANATA 34

Jordan POV's

Nang makadating ako sa Hospital na sinabi ni Ada ay agad kong nakita ang dalaga na lumuluha sa hallway. Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin palapit sa kaniya, nakaupo siya sa sahig habang yakap yakap ang sarili.

"Ada!! Nandito na ako, anong nangyari?" Mabilis kong alo sa kaniya. Napaupo din ako sa sahig para magpantay ang mukha namin.

"J-jordan." Nanghihina niyang tinig saka dahan dahan humarap sa akin. "S-si... M-maia, ang kaibigan ko... Patay na siya." Walang lakas niyang sabi.

Namamaga na ang mga mata niya kakaiyak halatang kanina pa ito umiiyak. "Magiging maayos din lahat, pangako. Konti na lang little sis, makakamit mo na din ang hustisya na dapat makuha mo." Mahinang bulong ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at marahan na hinalikan ang nuo. "Nandito lang ako. Nandito lang ako Little sis." Paulit ulit kong sabi habang hinahaplos ang buhok.

Mukhang kumakalma na ito hindi gaya kanina na ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya. I think, she's not tense now.

"Tinawagan ko siya tapos sinabi ko ang pinapasabi ng ate niya. Tapos, sabi niya magkikita daw kami. Hinintay ko siya sa lugar na pag aantayin ko.. tapos..." Nagsimula na din siyang muling umiyak.

"Ada, huwag mo muna ikuwento kung di mo pa kaya." Pangkakalma ko ulit sa kaniya.

Bumaklas siya sa pagkakayakap at marahas na umiling. "N-no, gusto kong malaman mo." Aniya. "Bago kami magkita, nalaman ko na tinulungan niya si Kenly para, para kumalat ang pic namin ni Raizen, gusto kong magalit dahil tinaraydor Niya ako, niloko niya ako, ginamit niya ako. Pero.. pero di ko magawang magalit sa kaniya. Sabi niya gusto niya akong makausap, kasi daw may sasabihin siya. Tapos, nakita ko siyang binaril." Hindi na niya mapigilan na umiyak muli.

"Ada." Hinawakan ko ang kamay Niya at pinisil.

"Hindi ko alam, kung sinong pagkatiwalaan ko. Hindi ko alam kung sino ang nangloloko sa akin. Hirap na hirap na ako, pagod na pagod na ako. Ang sakit sakit, palagi ko na lang nakikita ang mga taong mahalaga sa akin na namamatay sa mismong harap ko. Minsan itanatanong ko sa diyos, bakit binuhay niya pa ako, bakit ganitong buhay na binigay niya. Alam ko naman na malaki ang tiwala niya sa akin na makakaya ko to, pero Hanggang kailan ko ba dapat kayanin. Hanggang kailan paba magiging miserable ang buhay ko." Napadantay na lang ang ulo niya pader at napapikit.

"Ada, Naniniwala kaba sa akin?"

Dumilat siya at matiim akong tiningnan. "Malaki ang tiwala ko sayo, kaya natatakot ako na baka... Na baka isa ka sa mga taong niloloko ako. Natatakot ako kuya jordan. Kaya plss wag mo na gawin. Kasi baka hindi ko kayanin."

Malungkot akong ngumite sa kaniya. "Nandiyan si Raizen. Alam kong magiging okay ka kapag kasama mo siya. Magiging masaya ka sa piling niya."

"Ma- Mahal ko....." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla na lang itong nahimatay.

"Tulungan niyo ako!!" Malakas kong sigaw sa mga nurse na namataan kong malapit sa amin.

Mabilis na kumilos ang ibang nurse na bigyan kami ng wheelchair. Binuhat ko ang walang malay na dalaga at pinaupo sa wheelchair.

"Dito na lang po kayo." Saad ng nurse sa akin.

Tumigil na lang ako sa paglakad at hinayaan ang dalaga sa mga nurse.

Ang magagawa ko lang ngayon ay maghintay sa kaniya. Napaupo ako sa upuan na malapit sa akin. Habang nakatulala lang ako ay sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ada kani kanilang.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon