Kabanata 20

32 2 3
                                    


KABANATA 20

Bella's POV

Lumipas ang ilang buwan ay sinubukan kong lumapit kay Adaliata, sa kanilang lahat kasi siya ang laging nasa isang tabi at tahimik. Kahit anong gawin kona kausapin siya ay hindi niya ako kinakausap. Minsan nga naiisip kona baka ayaw niya lang sa akin or may iba pang dahilan.

"Bella!" Masayang lapit sa akin ni adalyn sa kwarto ko, magkakahiwalay kami ng kwarto kaya minsan siya ang pumunta, minsan naman ay ako.

"Hi." May ngiti sa labi kong bati sa kaniya, kahit kasundo kona si adalyn at ang mommy nila ay nahihiya pa din ako sa kanila, dahil alam ko na baka masaktan ko sila sa gagawin ko.

"May dala akong snacks, nuod tayo." She giggled while hold a many chips in her hand.

"Sig-"

"Adalyn, mom called you." Pasok ni Adaliata sa kwarto ko, nasa pinto lang siya habang nakatingin kay adalyn.

"Oh, sige sige sandali lang bella ah. Tawag ako ni mommy." Aniya sa akin bago nilapag ang mga dalang tsitsirya sa higaan ko, pagkatapos ay umalis na siya.

Kaming dalawa na lang ni Adaliata ang natira sa loob. Nang aalis na siya ay agad ko siyang pinigilan para kausapin.

"Ada. Pwede ba kitang kausapin." Sabi ko sa kaniya.

Humarap lang siya at matiim akong tiningnan. Mukhang hinihintay niya akong magsalita ulit.

"M-may nagawa ba akong m-mali sayo?" Kandautal utal kong tanong sa kaniya. Alam ko na baka nag aassume lang ako, pero ramdam ko talaga ang di gusto niya sa akin simula ng maampon na ako tuluyan ng mga magulang niya.

Sumeryoso ang mukha niya at dahan dahan na lumalapit sa akin. "May magagawa ka bang mali?"

Nanigas ang buo kong katawan dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot sa tanong niya sa akin. Ilang Segundo muna niya akong tiningnan bago lumabas sa loob ng kwarto ko.

Napaupo ako sa sahig ng tuluyan na siyang nakaalis sa loob ng kwarto ko.

Mapakla akong tumawa mag isa. "Oo nga naman, dapat hindi na ako nagtanong ng ganun sa kaniya."

"ADALYN, saglet lang ah. Lalabas lang ako." Paalam ko sa kaniya.

Araw araw akong nagpapaalam na lalabas lang saglit, pero ang totoo ay nakikipagkita sa akin tatay-tatayan ko at ang nanay-nanayan ko.

"Bella ano ng balita? Kailan ba sila aalis lahat para magawa na ang binabalik natin? " Sabi sa akin ng makalapit ako sa kanila.

" M-malapit napo, sa susunod na linggo ay aalis ang mga Trinidad para sa graduation ng anak nila. " Sabi ko na may takot sa kanila.

" Ayoss yan, tiba tiba na naman tayo. Galingan mo sa pag arte para makanakaw tayo. " Sabi naman sa akin ng nanay-nanayan ko.

Alam kong maaring makakasakit iyon sa kanila pero kailangan ko gawin iyon, Para din ito sa sarili ko.

Nang papasok na ako sa loob ay di sinasadya na mahagip ng mata ko sa Adaliata. Parang binuhos ng malamig na tubig ang buong kong katawan, hindi dapat niya ako nakita na kasama ang mga tumayong magulang sa akin. Pwedeng makakasakit iyon sa kanya at makakasira iyon sa plano ko.

Pwede ko naman Hindi sundin ang utos nila at maging maayos ang buhay kasama ang mga Trinidad pero, alam kong mas lalo ko lang pinahahamak ang sarili ko at sila.

Napasabunot ako sa sariling buhok, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sh*t talaga!!!

Hindi na ako nagulat ng masamang tumingin sa akin si Adaliata, alam kong narinig niya ang lahat. Napayukom ako ng palad, it's my First time na makahuli sa gagawin ko.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon