kabanata 36

36 1 5
                                    


KABANATA 36

Nakangiti si adaliata habang pinagmamasdan ang binatang si Jordan na natutulog. Gusto man niya na magpaalam sa lalaki ay mas pinatili na lang niya na hindi, dahil sigurado siyang hindi ito makakapayag sa gagawin niya.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mong kabutihan sa akin at sa kakambal ko. At sa pagtanggap mo ng buong pagkatao ko, kahit anong nangyari sa akin, buong puso mo akong tinanggap. Maraming salamat." Mahinang bulong niya sa binata habang haplos haplos ang buhok niya. 

"Ada." He groaned.

Napangiti ang dalaga bago tuluyan iwan ang binata sa higaan. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyan umalis sa kwarto.

Ito ang sandali na pag alis niya at pagtuloy ng mga plano na napag usapan niya at ng kakambal. Tutuloy siya sa kasal ni Bella at ganun din si Raizen. 

"Ate sigurado kana ba talaga sa gagawin mo?" Tanong ng kakambal ng makalabas sa kwarto.

"Yeah, siguradong sigurado ako." Puno ng kumpiyansa niyang sabi.

"Pero ate…."

"Wala ng pero pero, nangako kana sa akin Lyn, keep your promise." Putol na saad niya sa kapatid. "Mag iingat kayo dito ah. Babalik din kami." Paalam niya sa kapatid.

Lumapit siya sa kakambal at humalik sa pisnge bago tuluyan lumabas ng bahay. Nang makalabas siya ay nakita niya ang tumayong ina sa kaniya na nakamasid sa malayo at pinagmamasdan siya. 

Mas pinili niyang huwag na lang tingnan ang Ina at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang kotse at hintayin ang binata.

Pinagmasdan niya ang kakambal at lalaking iniibig nito na nagpapaalam sa isa't isa. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa labi dahil kung sakaling mapahamak siya sa gagawin, ay alam niya sa sarili na may isang taong mag aalaga sa nag iisang niyang kapatid. May mga taong poprotekta sa kakambal niya.

Sa laban na ito, dapat siya lang ang kumilos dahil siya na lang naman dahilan kung bakit lahat nadamay. Kumuyom ang kamay niya at napuno ng galit sa dibdib. Ngayon Bella, sigurado na ako, hindi kana makakatakas sa gagawin ko. Ikaw naman ang papaikutin ko sa palad ko.

"Handa kana Adaliata?" Saad ng binata ng makapasok sa driver seat. 

"Handang handa. Para sa lahat," puno ng tapang niyang sabi. Hindi na ako pwedeng matakot sa kaniya.

"If you say so, let's go." Ani ng binata at simula na paandarin ang kotse.

Bago tuluyan makalabas ang sakay na kotse niya ay may tao siyang tinext.

Ihanda mona ang lahat, papunta na ako.

Sige dalian mo lang.

Ngayon handa na lahat. 

"Matulog ka muna, gigising na lang kita," ani ng binata. 

Tango lang ang naging sagot niya. Madami ang gagawin niya ngayon araw at ayaw niyang mapagod. 

Nang pumikit siya at sumagi sa isip niya ang mga masasayang ngiti ng mga taong mahalaga sa buhay niya, si Adalyn, at ang mga kaibigan niya, at higit sa lahat si Jordan. Ang lalaking iniibig ng puso niya. 

Lalaban siya sa abot ng makakaya niya para sa mga taong dinamay ng dalaga. Gusto din niyang malaman kung bakit niya ginawang miserable ang buhay niya ng dalaga. Gustong gusto niyang malaman, ano ang dahilan ng dalaga upang pahirapan ng sobra ang buhay niya.

Malalaman ko din iyon.

Dalawang oras din ang naging biyahe nila bago nakarating sa tunay na pakay. Ang bahay ng dati niyang iniwan at ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng paghihirap niya dahil sa pagpasok ng isang tao na sumira ng pamilya niya. Nang makalabas siya sa labas ng kotse ay bumungad sa kaniya ang mga tuyong dahon, mukhang walang nag lilinis ng lugar at parang napabayaan ang bahay kung saan siya lumaki.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon