kabanata 25

16 3 4
                                    

Last napo itong POV' s ni bella. Babalik na tayo muli kay adaliata after nito.

Mature content guys.. warning. Sana makeri ng sikmura niyo, ako nga hindi ko kinaya eh. Peace agad sweetie 😅

KABANATA 25



After five years...

Graduating na ako ng highschool samantalang si Raizen ay ay graduating na din kaso nga lang ng college. Nang makapasok ako sa parehas na paaralan nila ay akala ko magiging kaklase ko siya pero hindi pala.

Dahil sa angkin talino ay mabilis lang siya makasabay sa mga kolehiyong estudyante. Parehas lang kami ng paaralan na pinapasukan, kahit papano ay nakikita ko siya.

Samantalang si adalyn ay, kinalulungkot ko ang pagkawala niya sa murang edad. Ganun din ang kakambal nitong si adaliata ay hindi na din muling nakita. Napangisi akong habang inaalala ang pagkawala nilang dalawa. Wala akong pagsisi sa ginawa ko. Dapat lang naman silang mawala dahil masyado lang silang sagabal sa mga nais na gusto kong gawin.

Sa pagkawala ni adalyn at adaliata ay labis ang kalungkutan ni daddy. Ganun din si mommy Melanie, kaya ginagawa ko ang lahat para naman kahit papaano ay mapasaya sila sa akin. Unti unti na nilang tinatanggap na wala ang kanilang mga anak.

Si Raizen naman malaki ang nagbago sa kaniya. Kahit sa pakikitungo niya sa mga magulang at sa mismong magulang ko ay malamig. Minsan na lang itong magsalita at nagfocus na lang sa pag aaral. Bago mawala si adalyn ay inamin ng binata na may gusto siya kay adalyn at nais niya itong pakasalanan. Kaso nawala si adalyn, dahil ayaw icancel ng mga magulang naming dalawa ay kami ang pinakasal sa isa't isa kaoag nakatapos ako ng pag aaral.

Malapit na siya mapasakin. Hindi lang sa akin siya, magiging asawa ko siya. Inamin ko sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko na gusto ko siya. Binigo niya ako ay hindi nito makalimutan si adalyn.

Sobrang naiinis ako sa kaniya, mapapangangasawa niya ako pero hindi man lang niya ako magawang tingnan sa mata, at laging iwas sa akin.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay agad nag init ang ulo ko. Nakita kong may kasamang ibang babae si  Raizen.

" Raizen!!" Tawag ko sa kaniya.

Agad itong lumingon sa akin at nginitian ako.

"Bella! Nandito ako." Sigaw din nito. Hindi man lang humarap ang kausap nito.

Habang palapit sa kanila ay sakto naman umalis ang babae na hindi ko man lang Nakita ang pagmumukha nito.

" Sino yung kausap mo?" Agad kong tanong ng makalapit sa kaniya.

" Ah, iyon wala lang. Nagtanong lang sa akin." Aniya nito sabay kain ng kinakain nitong dalang pagkain.

"May dala pala ako para sayo." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Kukuhain ko pa lang ang dala kong pagkain na pinaghirapan  gawin para lang sa kaniya.

"Hindi na, ikaw na lang kumain. " Tanggi nito sabay ayos ng kinakainan. "Tapos na rin na kasi ako eh, sige bel alis na ako. Eatwell." Aniya nito sabay alis na sa harap ko.

"Hayy nako. Kahit kailan talaga hindi magiging sayo ang bagay na hindi naman nakalaan para sa sayo." Sulpot ni Kenly na mortal kong kaaway. "Kawawa ka Naman bella."

Humarap ako sa kaniya. "Ganun  ba? Pwede naman agawin, hindi ba?" Nakangisi kong sabi sa kaniya.

"Alam mo bella, huwag mo ng ipilit sayo siya. Kung sa tingin mo, natatakot ang lahat sayo dito. Nagkakamali ka, ako nga hindi takot sayo. " Aniya saka nilapit ang labi nito sa aking tenga sa bumulong. "Kasi mas naawa ako sayo." Nakangising siyang umalis sa harapan ko.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon