Kabanata 11

32 6 13
                                    


KABANATA 11

ILANG LINGGO NA din simula na may nangyari sa amin ni raizen sa dinner date namin.

Di ko talaga inaasahan na ganun lamg kadali ang pagkabirhen ko. Pero di ako nagsisi kung sakali man nawala ang iyon ang mahalaga ay masaya ako at sa kaniya binigay.

Simula ng mangyari iyon sa amin ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Mas lalo naging sweet ito ay laging akong hinila para sa lang kiss na gusto niya.

Pero sa pagbabago na iyon ay ganun din ang nangyari kay bella. Kahit lagi kaming nagkikita ay wala din itong kibo sa akin. Para bang may ginawa akong kasalanan sa dalaga.

Nasa cafeteria kami ni maia ng magkita  muli kami ni kenly, simula binigyan ako ng regalo niya.

"Ohh hi there stupid idiot." Lapit niya kung saan ang lamesa namin ni maia. "Your still nerd."

Tama siya hindi ako nagbago. Ganun na ganun pa din ang itsura ko.

"Sino kaba?" Matapang na sabi maia. "Ano bang problema mo kay phin?"

"Wala. Pero ikaw, parang magkaka problema ako sayo." Ani ni kenly kay maia.

"Ano?"

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni kenly sa sinabi ni maia. "Anong ano?"

"Anong. Pake. Ko." Maia's appears smirk on her lips.

Akmang sasampalin ni kenly si maia sa pisnge ay agad nahawakan ni maia ang kamay nito.

"Kung sa tingin mo si phina ay hindi matapang. Pwes, ibahin mo ako." Bakas sa mukha ni maia ang galit sa mata.

Natigil si kenly sa nakita niya. "Sa tingin mo matatakot ako?" Ngisi niya sa kaibigan.

"Sabi koba?" Asar ni maia.

"Kung napigilan mo ang kamay ko na sampalin ka. Ito hindi." Mabilis niyang hinila ang buhok ni maia patayo.

Hindi ako agad nakagalaw sa nangyari. "T-teka l-lang."

Nakaganti agad ng sabunot si maia sa dalaga. May daing na lumabas sa bibig ni kenly dahil sa pagkasabunot niya.

Kaagad nadulas si kenly, kaya't pinatungan siya ni maia at pinagsasampal sa mukha.

Namilog ang mata ko at agad lumapit kay maia para iiwas ang kaibigan. Pero hinawakan ako ng kaibigan ni kenly para di makalapit sa dalawa.

"Maia. Tama na!!" Awat ko pero mukhang ayaw magpatalo ni maia sa dalaga.

Naghiyawan na ang lahat ng tao sa paligid. Walang may gusto na awatin ang dalawa, kahit ako ay hindi makalapit.

May nakita akong pilit na kinukuha ni kenly habang sinasampal siya ni maia. Ito ay isang stainless na pinaglalagyan ng mga kinakainan nila.

Nang makuha ito ni kenly ay buti na lang ang inapakan ko agad ang paa ng dalawa para makatakas ako.

Sa akin napalo ni kenly ang bagay na iyon sa aking ulo.

Bago mandilim ang paligi ko ay narinig ko ang pagtawag ni maia bago tuluyan na kainin ako ng dilim.

Nang gumising ako ay puting kisame ang nakita ko. Mukhang nasa clinic ako.

Hindi ko mapigilan ang pagdaing sa sakit ng ulo ko, siguro dahil iyon sa pagkapalo ni kenly kanina sa ulo ko. Tumingin ako sa paligid para hanapin si maia, anong nangyari kaya kay maia??okay lang ba siya.

Pinilit kong umupo nang wala akong makita na tao sa tabi ko.

Kinuha ko ang makapal kong salamin sa gilid ng higaan. Napahawak ako sa bandage sa nuo ko. Malala ba ang nangyari sa akin??

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon