kabanata 2

71 12 0
                                    


MASAYA KASAMA si Maia, matapang siya at laging palaban sa mga nangbubully sa akin.

Ilang araw pa lang ako sa campus ay lagi na agad akong nabubully, kahit saan talaga ako pumunta ay lagi akong nabubully.

Nang matapos ang klase ay agad nagpaalam sa akin si Maia kanina pupuntahan lang daw niya ang kaibigan niya.

Pumunta na lang ako sa cafeteria, nagawa ko naman na ang mga assignment ko kaya duon na lang siguro ako mag aantay ng mga gagawin.

Habang naglalakad ay may biglang tumulak sa akin mula sa likuran, pagkatapos ay dumretcho ang akin katawan sa naglalakad palapit sa akin na may hawak ng pagkain. Pinagtataka ko ay nakita ko ang ngisi sa mukha ng nasa harap ko.

"What the F! What did you do to my food?!" Sigaw sa akin ng babae.

Natapon ang lahat ng pagkain niya sa buong uniform ko na puti. Hindi ko agad pinansin ang sinabi ng babae sa akin, inuna ko ang uniform ko na punasan.

"Hoy ugly nerd, kinakausap kita! Kaya matuto kang humarap sa akin!" Hila niya ng braso ko.

Agad akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang nasayang na pagkain na nasa sahig na. "P- pasensiya na, may tumulak kasi sa akin"

"Pasensiya? HAHAHA." Pagak niyang tawa. "Bakit sa tingin mo, katulad mo ang kinakain ko? Cheap?" Pandidiri niya sa akin.

"D-di ko talaga-

Hindi kona natapos ang sinasabi ko ng buhusan niya ako ng juice sa buong katawa. Gusto ko silang sigawan, gusto ko din ipakita ang tapang ko sa kanila pero di ko magawa. Nagawa ko lang samaan siya tingnan.

"Opps! Ang tapang mo tumingin ah." Duro niya sa sentido ko at sa akin. "Ano bang magagawa ng isang mahirap na katulad mo?"

Tama siya, ano ba ang makakaya ko? Eh isang sampid lang naman ako na sumisiksik sa campus na ito. Kapag nagmatapang ako, baka ako pa ang makick out sa school na toh.

"I'm sorry." Binababa ko ang tingin ko sa sarili ko.

"I'm not contended your sorry? Ano ba ang kaya mo?" May ngisi niyang sabi sa akin.

"Kenly! Pa halik mo sa sapatos mo." Sabi naman ng isang babae sa gilid nito.

Kenly pala ang pangalan niya. Maganda nga panget naman ugali.

"Kenly that's Enought!" Sabi ng isang tinig na pamilyar sa akin. Si bella.

"Bella, but her fault naman eh. Tinapon niya ang pagkain ko." Taray niya.

"Nagsorry naman siya diba. Accept her sorry." Malumanay na sabi ni bella.

Akmang hihilain ako ng nangangalang Kenly ay naunahan siya ni bella. Hinila niya ako palabas ng cafeteria.

"Bella. Salamat sayo." Pisil ko sa kamay niya.

Tumigil kami sa harap ng Banyo ng mga babae, inabutan niya ako ng isang puting damit.

"Magbihis kana, saka na magpasalamat sa akin." Ngumiti siya sa akin.

Tumango ako na at tumungo sa loob ng banyo.

Para akong batang gusgusin na iniwan ng mga magulang. Akmang magbibihis na ako ay biglang nagvibrate ang cellphone sa loob ng bag. Nagtataka akong kinuha ang cellphone.

Unknowned registered number:

Mag iingat ka kay bella!

Napakunot ang nuo sa nabasa, mag iingat ako? Bakit? Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan si bella. Hindi kagaya ng iba, pero sino ba ang nagtext? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang sa pagpasok sa sa cr.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon