kabanata 18

28 4 10
                                    


A/N: As a promise, puro magaganda lang ang update na ito.

Slight mature guys...

____________________

KABANATA 18

"OKAY KA LANG ADA?"

Mas lalo akong natakot at nakokonsensiya dahil kapag sinabi ko sa kaniya ang mga ginawa namin ni raizen, maaring masaktan ang kakambal ko.

"S-si raizen? N-nasaan siya?" Halos hindi na ako makatingin sa mga mata niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, at pagbagsak ng balikat niya. " Si raizen. Nasa hospital pa din siya."

" H-hospital?" Agad akong napatingin sa kaniya.

" Oo, nabaril siya ng kung sino. Hanggang ngayon ay hindi pa din namin mahanap kung sino ang bumaril sa kaniya. "

Namilog ang mata ko sa narinig ko sa kaniya. " T-teka, kung nabaril si raizen. S-sino yung.... Yung nasa university? "

" It's me. " Baritonong boses na kakapasok lang sa kwarto kung nasaan kami.

Napaawang ang aking labi, hindi ako pwedeng magkamali si jordan iyon. Anong ginagawa niya dito?

"It's me, I'm just pretend that I'm raizen." He explained while looking to my eyes.

"So, nandito na siya. Gotta go guys!"

Hindi na ako pinasalita ni adalyn ng mabilis na lumabas sa kwarto. Anong gagawin ko? Kaming dalawa lang?

Hindi mapigilan ang pagBilis ng tibok ng puso ko, hindi rin ako makatingin sa mga mata niya at mukha. Pinakalma ko muna ang sarili ko sa paghinga.

Naalala na ko na ang lahat, lahat simula ng kinulong ako ni bella, sa pagkawala ni adalyn at higit sa lahat, si Jordan. A-ang asawa... A-ang asawa ko.

"Hey, are you okay?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ng magkabiglang pisnge ko. "Naalala mo naman ako diba? My ada?"

Namilog ang mata ko, hindi ako nag iisip na tinulak siya. Hindi kopa na ihahakbang ang paa ko sa sahig ay mabilis niya akong hinatak ang pagkaubabawan.

Napaawang ang labi ko. "A-anong ga-gagawin mo?"

"Sa tingin mo ano?" Nakangisi niyang sabi. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin, at ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako ng sandaling iyon.

Nanigas ang buong katawan ko, napakapit ako sa bed sheets.

Nang magdadampi na ang mga labi namin. "Sayang naman, mas gusto kona tuloy ang pagiging nadia mo. Innocent but slightly aggressive."

Agad akong napadilat at sinamaan siya ng tingin. " Ano?!"

Umalis sa ibabaw ko at napailing mag isa. Narinig kopa ang malalim nitong paghinga.

Naiinis akong tumayo. Mas gusto niya si nadia, letche ba siya. Tsk, asawa niya ako!!

"Sobrang namiss kita ada, tatlong taon kitang inantay, tatlong taon akong naghanap sayo, wala kang iniwan na isang bakas para mahanap kita. Sa tuwing iniisip ko na, baka nahihirapan ka, nasasaktan ako. Wala akong silbi sa buhay mo, hindi man lang kita nahanap kaagad. Ang dami na nagsasabi na baka wala kana, iniwan mo talaga. Hindi ako napagod na hanapin at antayin ka, na baka sa susunod na araw o oras nasa harapan na kita. Alam kong babalik ka sa akin, kaya inantay kita. Ngayon nandito ka na ulet, hindi na ako makakapayag na mawala kapa ulit."

Habang sinasabi niya iyon ay hindi ko maiwasan na umiiyak, sa lahat ng pinagdaanan ko si Jordan lang ang pinakamasayang alala na meron ako. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas para magpatuloy pa.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon