Kabanata 19

22 2 5
                                    

Again, another chapter na maganda HAHAHAHA sana.

_________________

KABANATA 19

"Adaliata, miss na miss ka na nila mommy. Bumalik kana!"

Napabalikwas ako sa bangon sa narinig ko, namuo ang pawis at nanlalamig ang buong pagkatao ko. Huminga ako ng malalim.

Yung boses na iyon, yung boses. Hindi ko alam kung saan na nanggagaling iyon, kung san nagmumula. Nitong mga nakaraang araw ay ilang beses kona naririnig ang mga boses na iyon. Kaso, hindi ko alam kung san na nagmumula iyon.

"Hey, goodmorning ada, okay ka lang?" May pag aalalang lapit sa akin ni adalyn.

"Huh? Ah.. w-wala, wala." Sabi ko na lang sa kaniya. " Adalyn, kung alam ni raizen na buhay ka? Sila mommy? Alam niya? Si daddy? Yung mga magulang natin? Napupuntahan moba sila?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya. Ngayon ko lang naisip ang mga katanungan sa kaniya.

" Okay naman sila, si bella. Pinagmukha niya na masama tayong dalawa sa mga isipan nila, kinokontrol niya ang mga magulang natin." May bahid na Galit ang pagkakasabi niya.

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. " A-adalyn?" Parang ibang iba ang sinabi niya sa tinanong ko sa kaniya.

" Y-yung kasal nila, nila bella at raizen. Sabi ni bella, ikakasal na sila ni raizen, totoo ba iyon?"

Matiim niya akong tiningnan. " Minsan wag ka naniniwala sa mga sinasabi niya, kasi sinungaling siya. Kaya yung sinasabi niya, hindi iyon totoo. Itanong mo pa kay jordan." Paliwanag niya.

So, nagsinungaling lang siya sa akin. " Ganun ba. Ahm, adalyn."

"Yes?"

"Pwede ko bang puntahan si maia?"

Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. "Maia? Sino iyon?"

"Kaibigan ko siya sa university." Sabi ko sa kaniya.

"University? Adaliata, hindi ka nag aaral. "

Nanigas ang buong pagkatao ko. " A-anong sinasabi mo? "

"Hey, my ada." Nakapasok na pala si jordan sa kwarto. "Anong ganap?" Masayang aniya ng lumapit sa akin.

"S-sino kayo?" Hindi ko maiwasan ang pagdudahan ang mga taong nasa paligid ko ngayon, ano ba ang nangyayari?

" Adaliata, ano bang-" akmang hahawakan ako ni adalyn.

" Wag! Wag na wag niyo akong hawakan!" Tumayo ako na naguguluhan sa mga nangyayari.

Parang nanghihina ang katawan ko sa mga bagay na nangyayari sa paligid, ano ba dapat ang gawin ko. Nag aaral ako, si maia kaibigan ko siya, ang taong nag alaga sa akin, yung taong nagpaaral sa akin sa university na iyon... Si.... Teka, bakit hindi ko maalala. Sino ba siya?? Sino?? Malapit sa siya sa puso, pero bakit?! Bakit hindi ko maalala ang pangalan niya.

"Adaliata." Mahinang sabi nilang dalawa.

"No. Wag kayong lumapit sa akin, hindi. Ko kayo. Kilala!" Pagkasabi ko nuon ay mabilis akong tumakbo sa kwarto at hinanap ang palabas sa lugar iyon.

Hindi ko alam kung nasaan kami, kung nasaan ako. Binalot ako ng takot sa buong pagkatao, hindi ko alam ang gagawin ko. Ano bang totoo sa mga nangyayari? Ano ba ang totoo sa lahat? May totoo ba??

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang magtaka dahil kahit paulit ulit ko lang nakikita ang nasa paligid ko.  Nasaan ba talaga ako?!

Unti unti kong naramdaman ang pagdilim ng paligid ko. Bago tuluyan na mawalan ako ng malay ay marinig ko muli ang boses. Hindi na ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko iyon, ang isang taong buong puso kong kilala.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon