kabanata 13

24 6 6
                                    


KABANATA 13

Habang hinahanatay ko si maia sa labas ng school namin ay napansin ko ang mga tiningan ng mga kapwa ko estudyante.

Napayuko ako sa ilang na nararamdaman ko sa mga titig nila. Tinitigan nila ako na parang isa akong dumi at may nakakadiring sakit.

Ano bang meron??

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko at ginawang salamin. Tiningnan ko kung mag dumi ako sa mukha,pero wala naman akong nakita bukod sa namumula mula kong mata.

Siguro kaya ganun ang mata ko ag dahil na rin sa puro sakit na lang ang naramdaman ko.

Una, yung akala kong lalaki na para sa akin ay ikakasal na pala, take note sa kaibigan ko.

Itinuring kong parang kapatid si bella dahil sa kabaitan at mala anghel niyang mukha. Kaya na rin siguro ikakasal silang dalawa ni raizen. Bagay naman sila eh, si raizen gwapo at malakas ang dating, samantalang si bella maganda at malaki ang tiwala sa sarili.  Eh ako?? Wala naman akong ganun na pwedeng ipagkumpara kay bella.

Pangalawa, tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko pa nalalaman kung sinong talaga ako, pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko.

Sumagi sa isip ko si jordan, pero kita ko naman na wala itong oras para sa mga katanungan ko dahil na rin sa professionals ng binata.

"Ohh the bitches nerd!"

Napatingala ko kung sino iyong nagsalita. Si kenly!

Nilamon ako ng kaba at takot para sa dalaga. Alam kong sasaktan na naman ako nito.

"K-kenly."

"Oh yes. Remembered my name, but your name. I dunno,what your name again nerd?" Matiim niya akong tiningnan.

"P-phina." Utal kong sabi.

"Hmm phina. Alam moba sikat ka ngayon?" Nakangisi niyang sabi.

Bumalatay ang pagtataka sa aking mukha sa sinabi niya. A-anong sikat ako.?

Nakakunot akong tumingin sa kaniya. "A-anong sinasabi mo?"

Napakunot nuo siya." You didn't  know??  Poor nerd.... Well, let me tell you."

Kinuha niya ang cellphone sa wallet nito at may kung anong pinundot bago iharap sa akin.

Biglang namutla ang buong mukha ko. Napaawang ang labi ko sa nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali.. a-ako iyon, kasama si s-si raizen. Nung inimbitahan niya ako sa dinner party at yung araw na may nangyari sa amin. Kitang kita kung paano kami naghahalikan.

"Sobrang talented mo noh. Hindi ka lang nerd, stupid nerd, you're  also slut." May pandidiring sabi niya.

"You know what. Hindi ka bagay sa paaralan na ito, hindi katanggap tanggap ang isang tulad mo. Kaya siguro ka nakapasok dito noh? Ilang bang lalaki ang nilandi mo para kang makapasok ka dito."

Napakuyom ako ng palad sa mga masasakit niyang sinabi. Wala siyang karapatan husgahan ako sa mga bagay na pinaghirapan ko.

Akmang sasampalin ko siya ng mapigilan ng kamay niya ang kamay ko na lumapat sa pisnge niya.

"Tsk, ikaw pa mag ganang magalit!" Walang emosyon niyang sabi. Ang isang kamay niya ay biglang dumapo sa mukha ko.

Napaupo ako lakas nito. Hindi ko maramdaman ang mukha sa lakas ng sampal niya, hindi ako magkakamali kung agad itong mag iiwan ng marka.

Hindi pa siya nakuntento ay binuhusan din niya ako ng isnag bottle water, hanggang sa maubos iyon ay agad din niyang binata ito sa akin.

"Bagay lang iyan sayo. You're f*cking slut nerd!" Sabi niya at umalis sa harapan.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon