Kabanata 10

32 7 10
                                    

KABANATA 10

"MOM, Why are all you here?"

Lumapit ang binata sa isang ginang, marami ang mga kasama ito. Dalawang ginang at kapwa kasama nito ang mga kani kanilang asawa, i guess.

"Nako rai. Ito kasing mommy mo ay gusto ata maging bata ulet." Biro pa ng isang kasama nitong ginang.

Umusod ng kaunti para bigyan sila ng time na mag usap usap. Kita naman sa mukha ni raizen ang tuwa na makita ang ina nito. Napadako ang tingin ko sa tinawag nitong ina kanina. Ang ganda ng mommy ni raizen, kahit pa na may katandaan ito ay bakas pa rin sa mukha nito ang nakakabighani sa mga mata nito. Ganun din ang katabi nito, ang daddy siguro ni raizen, kamukhang kamukha ng binata ang ama niya.

Inilibot kona lang ang tingin ko sa paligid hanggang sa mapadako ang mga mata ko kila maia at ang kasama nito. Wait, si maia?? Nandito siya.. kailan pa?

Tahimik akong umalis sa puwesto ko patakbong lumapit sa kaibigan ko.

"Sa tingin mo, hanggang kailan natin ito itatago? Nakokonsiya na kasi ako sa kaniya eh, itinuring niya akong kaibigan eh?" Malumanay na saad ni maia ng makalapit ako.

Hindi niya ako nakikita dahil sa kapwa sila nakatalikod sa akin. Sino ang pinag uusapan nila??

"Marunong ka nuon? Marunong kang makonsensiya?" Malamig naman saad ng kasama ni maia.

"Malamang, ikaw kasi hindi. Staka mabait naman sa akin si-"

"Hi maia!" Tawag ko sa kaniya kaya hindi na niya natapos ang sasabihin.

Namilog ang mga mata nito at parang nakakita ng multo. "P-phin? A-anong ginawa mo dito?"

Parang mali kay maia.

"Gumala lang ako, ikaw?? Sino pala ang kasama mo?" Humarap ako sa kasama niya. Napaawang ang labi ko ng makita ito.

Hindi ako pwedeng magkamali, ito yung kaklase namin na tahimik lang sa room. Staka kailan pa sila naging magkaibigan?? Hindi ko naman sila nakikitang nag uusap sa room eh.

Tumikhim siya. "Ahh si larisa pala. Yung kaklase natin."

"Kailan pa kayo naging close?? Hindi ko naman kayo nakikitang nag uusap eh." May pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Magkasama kami kasi sa isang dorm. Then, ayun. Staka di talaga kami nag uusap sa roo." Ang kasama nito ang  nag explain sa akin. "Eh ikaw. Sino kasama mo?"

"Ahh, ako lang." Pagsisinungalin ko sa kanila. Sorry maia, but i need to this.

"Sama ka na lang sa amin. Okay lang iyon sayo larisa diba?"

Tumango ito. "Ayos lang sa akin."

"San pala kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Kakain lang kami sa isang fast food. Kaninang umaga pa kami dito eh." Ani sa akin ni maia.

Kaninang umaga pa sila dito?? Nakita ba nila kami?? Baka hindi?? Malawak naman kasi ang ek eh?? Pero paano nga naman kung nakita nila kami?? Ang daming natakbo sa isip ko na puro katanungan?? Paano na lang talaga kung nakita nila kami??

Bago kami lumabas ay tiningnan ko muna sila raizen. Wala na sila sa puwesto kung saan ko sila iniwan kanina.

Pumasok kami sa Hotshot Flame ba fast food chain sa ek. Maganda ang nasa loob at simpli lang din ang mga bagay bagay sa loob.

Umorder kami ng burger na gusto namin. Wala lang ni isa na nagsalita sa aming tatlo,siguro dahil na rin sa kapwa kami nagkagulat sa isa't isa.

Habang nakain ako ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa shoulder bag na dala dala ko. Kinuha ko ito at nagpaalam sa dalawa.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon