Kabanata 4

42 8 1
                                    


Inayos ko ang pagkalukot ng t shirt ko sa kakaantay kay sir. Raizen, pinakausapan niya ako na mag hintay sa harap ng office niya para na rin sa iilang paper works na ibigay daw sa iba pang teacher.

Kaya maaga akong pumasok dahil sa kaniya, wait- maaga akong pumasok dahil sa inutos niya, hindi siya! Jusmee sumasakit ulo ko. Staka sobrang gwapo niya para magustuhan ang katulad ko, minsan lang maging maganda.

Napaupo ako sa sahig dahil sa ngalay na kanina pa nakatayo. Ilang minuto siyang nakaupo sa sahig ng mapagdesisyunan niya na tumayong muli, sa pagtayo niya ay narinig niya ang pamilyar na boses na kapwa nag uusap.

"Kinausap kona si tita, Raizen!" Pilit na tawag sa binata ni Bella, sigurado akong si bella ang tumatawag kay sir. Raizen.

"I don't care Bel, just go away. I don't want you come near me." Ramdam ko ang lamig sa boses niya.

"Pero- Phina?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang may kasalanan akong nagawa sa mga titig ni bella.

"Anong ginagawa mo dito phina?" May talim na titig ang dalaga sa akin.

Napayuko na lang ako.

"G-goodmorning sir, nandito po... kasi, inutusan niyo po ako na maagang dumating para sa mga ibibigay ko pong paper sa mga teacher." Explain ko sa guro.

"Ohh, i forgot." Aniya sa akin. "Umalis kana ms. Trinidad, malapit na ang pasukan." Matabang na sabi ni sir kay bella.

"Can i talk you phina?" Wala akong mabasa na emosyon sa mata niya.

Napatango ako sa kaniya. Walang ingay siyang umalis sa puwesto namin.

"Plss, come in ms. Muñoz." Bukas niya ng pinto, sumunod lang ako sa kaniya pagpasok ang nakatayong tumigil sa malapit sa table niya.

"Ito ang mga papers ms. Muñoz, before 12 ay sana matapos na ito. Para ito sa darating na sports fest." Abot niya sa akin ng mga tumpok na papel.

Tumungo ako at kinuha ang mga papel na ipapamigay ko sa mga teacher. Nagpaalam na din ako para masimulan na din ang pamimigay tutal 6 am pa lang, mga 7 naman ang pasok ko. May isang oras pa ako para mabawasan ang gagawin.

Sa totoo lang di ko alam kung bakit ko tinanggap ang inaalok niyang trabaho sa akin, assistant student. Wala naman talagang bayad ang pagiging A.S. pero, nung tinatanong ako ni sir, para bang may buhay ang labi ko at tinanggap ko ang inaalok niya na trabaho sa akin. Wala din akong alinlangan sa aking guro na makasama ito, kasi may kung ano akong nararamdaman sa tuwing malapit ako sa kaniya.

Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin ang palapit sa akin, kaya't nabangga ko ito at nabitawan ko ang lahat ng papel sa sahig. 

"Ouch!" Aniko ng mapaupo ako sa sahig sa lakas ng pagkabangga.

"Okay ka lang phina?" Ani ng isang pamilyar na boses.

Tumango ako. "Okay lang... bella?"

Ngumiti siya sa akin ng matamis, wala ng bakas sa mukha ng dalaga ang emosyon nito kanina.

"Tulungan kita?"  Abot niya sa akin, para makatayo. Tinanggap ko ito.

"Sabi mo sa akin kanina, g-gusto mo akong makausap?" Deretcha ko nang tanong sa kaniya. Tutal, ayun naman ang gusto niya.

"Gusto ko lang naman itanong kung bakit nandun ka sa office ni sir?"

Kita ko ang masaya sa mga mata niya, basang basa ko, di tulad kanina. Wala akong mabasa.

"Ahh ayun lang pala, kasi ako yung A. S niya!" Masayang kwento ko sa kaniya.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon