Kabanata 28

18 3 3
                                    


KABANATA 28

Nasa coffee shop ako na nag aantay dahil magkikita kami ni adalyn, ang kakambal ko. Hindi ako mapakali at puno ako ng kaba dahil ito ang unang beses ko na makikitang muli ang kakambal ko, after eight years. Makikita ko na siya.

Huminga muna ako ng malalim bago tiningnan kung anong oras na.

Maya maya ay biglang nagring ang cellphone ko sa bulsa ng jogging pants ko. Sa pag aakala ko ay si adalyn ito ay hindi kona tiningnan kong sino ang tumawag sa akin.

"Adalyn, nasa-"

"Tulungan mo ako ada!!" Sigaw niya sa cellphone habang natakbo na parang hinahabol.

Namuo ang takot sa akin para sa kakambal ko. Wala na akong sinayang na sandali at tumayo na ako. Mabilis kong nilakad na palabas coffee shop.

"Nasaan ka adalyn?" Natataranta kong sabi sa kaniya. Kaso walang sumagot sa kabilang linya.

Mabilis akong sumakay sa aking itim na ducati, kasabay nito ang mabilis kong pinaandar. Biglang naputol ang tawag, kaya napatigil ako sa pagdrive.

"F*ck."

Kinuha ko ang maliit na Bluetooth device na nakakonekta kay Gavi. Ang kapartner ko sa agency.

"Shit! Gavi, hanapin mo kung nasaan si adalyn, tumawag siya kanina sa akin. Locate mo para mapuntahan ko kaagad. And this is f*cking ASAP."

" Kalmahan mo lang  mo ada, ito na nga oh." Rinig kong sabi niya.

Mabilis kong pinaandar ang ducati ko ng ma received ko ang message ni Gavi sa akin.

Labis ang pagtataka ko ng marating ko ang lugar, puro talahid at wala ni isang tao ako na nakita. "Adalyn!!"

Agad kong hinanap kung saan nang galing iyon. Sa hindi inaasahan ay may panyo na tumakip sa ilong ko ng malanghap ko iyon ay unti unting nagdilim ang paningin ko.

Naalimpungatan ako sa nagsisigaw na may kalayuan sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko, namilog ang mata ko ng makita na nakatali ako sa isang upuan. Pilit kong gumalaw at makaalis kaso may kahigpitan iyon kaya di ko magawa iyon.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon