Kabanata 3

48 8 0
                                    

"KAILAN kayo magbabayad! Jusme naman rita. Dalawang buwan na kayo hindi nagbabayad,bibigyan kita ng dalawang linggo para magbayad. Kung hindi naman,pasensiyahan tayo!" Sigaw ng landlady namin sa labas ng bahay namin.

Kakauwe ko lang ng maabutan ko ang eksena na iyon.

"Magbabayad po kami, pasensiya napo." Nagmamakaawang sabi ni inay.

Hindi ko maihakbang ang paa ko,dahil alam kona ayaw ni inay na makita ko ang ganitong sitwasyon. Kaya nanatili lang ako na nagtago hanggang makaalis ang landlady namin.

"Siguraduhin mo lang rita ah!" Duro niya sa inay ko.

"Opo." Tungo ng ina ko sa kaniya.

Ilang minuto pa ako nag antay bago tuluyan makaalis ang landlady namin. Hindi ko mapigilan maawa sa inay ko, lahat ginawa niya para lang maging maayos ang pamumuhay namin. Ang bunso kong kapatid ay nasa maynila dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapag aral sa pribadong paaralan katulad ko.

Kaya doble ang kayod niya para sa amin.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko, pagkatapos ay ngumiti ako. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad.

"Inaay!! Nakauwi na ako." Masaya kong bati sa inay ko.

"Buti naman anak nandito kana, kamusta ang pag aaral mo?" Ngite niya sa akin, parang walang nangyari kanina.

"Ganun pa din inay. Sige nay bihis po muna ako ah." Sabi ko sa inay.

"Sige nakahain na ako para makain kana."

Dumuretcho na ako sa kwarto ko at nagbihis na ah. Ano kaya ang pwede kong maitulong sa aking inay para naman makatulong ako sa kaniya? Paano kaya?

Maya-maya ay naramdaman kong magvibrate ang cellphone ko. Nagtext sa akin si Maia.

Maia

Phin, may gagawin kaba mamaya?

Basa ko sa text sa akin ni Maia.

Me

Wala naman, bakit?

Maia

May raket kasi ako, kailangan may kasama. So pwede kaba?

Agad akong pumayag sa text ni Maia. Hulog talaga ng langit si maia,lagi siyang sumasakto kapag kailangan ko ng tulong.

Hindi na ako nagpaalam kay inay ng kinagabihan na may raket akong pupuntahan. Nag dahilan na lang ako na group project.

Nagkita kami ni Maia sa isang harap ng bar. Nakita ko ang suot niya na pang waiter, agad akong kumaway sa kaniya.

"Kanina kapa nag antay Mai?" Nang makalapit ako sa kaniya.

"Hindi naman, sakto ka lang. Halika na." Hinila na niya ako sa likod ng bar, pagkatapos ay pumasok kami sa isang dressing room.

"Suotin mo to phin." Abot niya sa akin ng susuotin ko.

Hindi naman manipis ang damit, sakto lang din ito sa aking katawan. Hanggang hita ko, first time kong magsuot ng ganitong kasuotan. Sana'y na kasi ako na t shirt at jogger lang.

"Bagay pala ang ganito sayo phin, teka ayusin natin ang buhok mo." Inayusan niya ako ng kaunti, nilugay niya ang buhok ko at pinakulot. "Tanggalin na muna natin ang salamin mo phin ah, staka yung braces mo phin. Kailangan tanggalin."

Tumango ako, nagpaalam siya saglit sa akin dahil may biglang tumawag sa kaniya.

Tinanggal ko muna ang braces ko sa ngipin, pagkatapos ay sinunod ko ang salamin ko. Kahit papaano naman ay marunong akong mag ayos ng sarili ko. Inayusan ko ang sarili ko para kahit paano naman ay hindi mapahiya si maia sa akin.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon