Kabanata 12

28 6 2
                                    


KABANATA 12

Napabalikwas ako ng bangon. Punong puno ako ng pawis, nanuyo ang lalamunan ko sa mga nakita ko. Totoo ba iyon??

A-ako ba talaga si ada??

Nanginginig ang buong kalamnan ko. Parang totoo iyon, kahit ngayon ay ramdam ko pa din iyon. Kahit yung, kahit yung binaril ako. Ramdam na ramdam ko iyon.

"Gising kana pala ada." Bukas ng pinto at niluwa niyon ang binata na hindi pa din nagpapakilala sa akin.

Tahimik itong umupo sa tabi ng kama mo at matiim akong tiningnan sa mata.

"Alam kong madaming kang katungan sa akin. Pwede kang-"

"Sino ba ako?? Bat ada ang tinawag mo sa akin??"  Sunod sunod kong tanong ko. " Pero sino ka ba talaga??"

Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. "You, you don't remember me?"

Tumango ako.

"Well, i'm jordan. Jordan Asero, I'm 25 years old. And-"

"Doc asero, you need in a emergency room. Some patient are critical." Sabag ng isang nurse nang makapasok sa  kwarto ko.

Hindi na niya nagawang magpaalam dahil kasabay ng nurse ang paglabas niya. Ngayon ay naiwan na ako mag isa sa kwarto at naiwan na mas lalong sumakit ng ulo ko.

Mas lalong dumagdag ang mga katanungan sa isipan ko kung sino nga ba ako?? At sino si Jordan sa buhay ko??

Napabuntong hininga na lang ako sa kaguluhan na pumapasok sa utak ko.

Kailangan kong maakalis sa ospital nato at kailangan ko makakuha ng sagot, at kilalang kilala ko iyon. Si inay.

Mabilis akong nagbihis ng sinuot ko at tahimik lang na nagmasid sa labas ng kwarto, nang makahanap ako ng tyempo ay wala na akong sinayang na oras na makalabas sa kwarto ko. Walang nakapansin ni isa sa akin kaya mas napabilis ang pagkalabas ko sa ospital.

Nang makalabas ako ay tiningnan ko kung saang ospital ako dinala na nagpapakilalang jordan sa akin.

Atienza hospital

Parang tinakasan ako ng paghinga dahil parang nakita kona ang ospital na ito sa hindi ko malaman kung saan. Nakaramdam ako ng pagkirot sa ulo ko.

"Dalian mona, kailangan na natin siya madala sa ospital ng mga atienza jordan. Plss baka mahuli na tayo!"

May ilang eksena na nakita ako. Hindi ako pwede magkamali, pamilyar ang boses na iyon sa akin. Mas lalo na akong naguguluhan sa nangyayari sa akin. Ano ba talaga ang totoo??

Nang mawala na ang kirot sa ulo ko ay pumara ako ng jeep.

Binuksan ko ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko, sunod sunod ang mga missed call at text nila maia at raizen sa akin.

Raizen..

Nadia, where are you?? Plss tell me my nadia.

Listen to me first, hindi ko kaya kung mawawala ka. Importante ka sa buhay ko. Kaya plss bumalik ka sa akin.

My nadia, im worried. Where are you my nadia?

Hindi kona binasa pa ang mga mensahe niya dahil sa sakit na binigay niya sa akin, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni bella sa akin kanina bago ako umalis.

Huminga ako ng malalim bago tuluyan may pumatak na naman sa mga mata ko, ang sakit sakit talaga. Minsan lang naman ako magmahal tapos ito pa ang mararanasan ko.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon