kabanata 30

21 3 3
                                    

KABANATA 30

"Adaliata! Alam kong ikaw iyan."

Saad ng kakambal ko.

Kaya imbes na magtago ay lumabas na ako sa pinag tataguan mo. "Paano mo nalaman?"

"Simple lang kakambal mo ako." Hinawakan niya ako sa braso saka hinila palayo sa bahay namin.

Buong akala ko ay hihilain niya ako papasok sa bahay namin. Hindi pala, huminto kami sa isang bakod at lumusot siya duon na ginawa ko din. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakikisiguro ako na hindi ako ipapahamak ng kakambal ko.

Muli kong pinagmasdan ang mukha niya. Napangiti ako dahil ibang iba na ang itsura nito. Mahigit isang taon na din simula ng magkita kami, at malaki talaga ang pagbabago nito. Magkaibang magkaiba na kami ng pangangatawan, nagkaroon na kasi ako ng laman sa katawan at parang tumaba ako ng kaunti. (bat ada, wala kabang laman?). Manahimik ka author, kasalanan mo to. (Shet 🥲, sensya ah).

Naging matured na din ang pangangatawan nito. Hindi gaya ng dati na maliit at patpatin. Kahit sa mukha din, maikli na ang buhok nito at shiny tingnan, samantala sa akin ay mahaba at may pagkakulot dahil na rin siguro sa buhaghag ang buhok ko. Maputi din siya at alagang alaga.

"Hindi ako magtatanong kung saan ka pumunta? Kung anong nangyari sayo. As a long na alam kong okay ka, masaya na ako." She said in out of nowhere.

"Lyn..." Mahinang usal ko at napayuko. "Namiss kita."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ako din, sobra." Aniya saka tumalikod muli sa akin bago pa namasa ang mata nito.

"Halika na may pupuntahan tayo." Saad niya saka binilisan ang lakad.

Trenta minutos din kaming naglalakad bago kami tumugil sa isang bahay na may kalayuan sa mga kabahayan ng villa.

Napapaligiran ito ng mga Puno at walang kabahay bahay na makikita sa paligid.

"Lyn, kanina ito?" Mahinang tawag ko sa kaniya.

"Malalaman mo din. Pasok na tayo." Walang bakas na emosyon sa mukha nito. "Maraming akong gustong sabihin sayo na dapat mong malaman."

Napatingin ako sa mga mata niya. May dapat ba akong malaman??

Tahimik na lang ako sumunod sa kaniya papasok sa loob. Nang makapasok kami ay sakto lang ang nasa loob, hindi maliit o malaki. Kumpleto din ito sa kagamitan. The place has given a relaxing view and very cozy.

"Kanina pa kita hinhintay bat- ADALIATA!!" Saad ng isang tinig mula sa likuran ko.

Kaya humarap ako at namilog ang mga mata ko. "Rai!!" Tinakbo ko ang pagitan namin at mainit niya akong sinalubong ng yakap.

"Saan ka ba nanggalin alam mo ba sobrang nag aalala ang kakambal mo?!" Sermon niya sa akin.

Kaya napangiti ako. " Alam kong aalagaan mo siya Rai, kaya salamat at hindi mo ako binigo." Binaklas ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at lumapit sa kakambal ko.

"Raizen, iwan mo muna kami." Seryoso niyang sabi sa binata.

"But I want to stay beside you." Nakanguso nitong sabi sa kakambal ko.

Lumapit ang kakambal ko sa binata at hinawakan ito sa pisnge. "No buts, i need to talk to my twin. Kaya plss, bawi ako mamaya ako. Just i need to talk to her." Malambing nitong sabi.

Habang pinagmamasdan ko sila ay parang hindi mga bata ang nasa harap ko. San kaya natutunan iyon ni adalyn ang ginawa sa binata, napanguso na lang ako.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon