Kabanata 14

37 5 10
                                    


KABANATA 14

"KAMUSTA ang tulog mo?"

Napatingin ako kay larisa. "Ikaw pala larisa, maayos naman."

Napatango siya sa akin.

"Nasaan si maia?" Aniko ng mapansin na wala ang dalaga sa kwarto at higaan niya kanina. "Pumasok naba siya?"

"Ah, Oo eh. Hindi kana niya ginising kasi daw sa nangyari kahapon. Masakit ba?"

Napatingin ako sa kaniya, seryoso niya iyang sinabi sa akin iyon. May nalalaman ba ito??

" Yung sugat mo, masakit ba?" Turo niya sa mukha ko.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko, may sugat ba ako? Tumayo muna ako at naghanap ng salamin, sakto naman na malapit lang ito.

Ngayon ko lang napansin na nagkaroon pala ako ng pasa sa pagkasampal sa akin ni Kenly. 

"Kumain ka na." Aya niya sa akin.

May nakahanda na pala sa lamesa na nasa tabi lang niya.

Ilang minuto din ako bago matapos kumain, nagpaalam muna ako na maglilinis ng katawan para makauwe na talaga ako sa amin.

Siguro tuwang tuwa na si inay kapag nakita niya ako, madami na din siguro iyon niluto, hindi ako makakapag antay na makauwe sa bahay namin kay inay.

Pagpasok sa ko sa banyo ay napadaan ako sa salamin. Kitang kita sa mukha ko ang stress at Haggard, sa dami na nangyari sa akin siguro sa tulong ni maia ay hindi ko ito makakaya.  

Napangiti ako kasi nakilala ko ang tulad ni maia, ang swerte swerte ko.

Hinubad ko ang makapal na salamin ko, sa totoo lang kaya ko naman makakita kahit wala akong salamin. Napahawak din ako sa buhok na may kahabaan, may nakita akong gunting at naisip ko na bawasan ito.

Kailangan harapin kona ang problema ko, ang tungkol kay bella at raizen, lalo na ang kumalat na litrato para na rin makapasok ako sa university. Kailangan kahit may problema ako ay maipakita ko sa lahat na kaya ko.

Binawasan ko ang buhok ko na Hanggang balikat, medyo ni shaggy kona din para mas lalong bumagay sa akin. 

Napaawang ang labi ko ng makita ko ang itsura sa salamin. Parang, parang naging ganito na din ang ayos ko hindi ko alam kung kailan nangyari iyon.

"Hey beautiful." Ani ng isang baritono na mula sa aking likod.

Bumalik ako sa reyalidad, sino iyon??

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, lalo na sa mga nakikita ko. Parang totoong mga naririnig at nakikita ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon.

Napailing na lang ako at nagtungo sa shower para makaligo na lang, kailangan ko ng makaalis dito.

After kong makapag ayos ng sarili ay hindi kona muling sinuot ang makapal kong salamin at nag ayos ng mukha para naman ay maayos akong humarap kay inay. Ngayon ko lang narealize na hindi pala ako nag aayos ng sarili, kaya siguro ay madali lang sa kanila na masaktan at maapi ako, mas lalo tuloy akong nanliliit sa sarili ko na harapin at maging matapang sa kanila.

Hindi na muling mangyayari iyon, lalaban na ako at hindi na ako magpapatalo sa kanila. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko, at sa mga taong naniniwala sa akin.

Lumabas na ako ng banyo, sakto naman pagkalabas ko ay nakita kong nakatalikod sa akin si larisa.

"Nga pala philipina, sabi sa akin ni maia na ihatid daw kit-" 

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon