CHAPTER 17

3.8K 197 6
                                    

Chapter 17

         LALABAS  na sana siya ng kotse ng pihitin niya ay naka-lock iyon. Naiinis siyang napatingin sa lalaki na naka ngiti lang sa kaniya ng nakakaloko.


"Kiss before i open the door." Sabi nito.



"Alam mo nakakainis kana?" Puno ng irita niyang sabi. "Pwede ba kahit minsan lang tigilan mo'ko—" Hindi na niya natuloy ang iba pa niyang sasabihin ng lumapat na ang labi ni Justine sa mga labi niya. It was a quick kissed but he could already felt little strange in his body.


"Can't you stop kissing me?" He said irritating.



"I can't. Besides i'm your boyfriend now so i have the right to kiss you and make love to you." Justine said full of himself.



Humugot siya ng isang malakas na buntong hininga at mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Can you just open the door and i'll take my leave now." Pinipigilan niya ang inis na nararamdaman.



"No need for you to get out, i should be the one to leave the car, it is not my car after all." He said while smirking.


In-unlock na ni Justine ang pinto ng kotse, binuksan na niyon ang pinto at lumabas na iyon.


"Teka saan siya pupunta? Baka mapahamak siya." Sabi niya sa sariling isip habang bakas sa mukha ang labis niyang pag-aalala.



Agad siyang lumabas ng kotse at dinaluhan ang binata. "Where are you going?" He asked worriedly.


"Going home, where else?" Justine said with sarcasm.


"Going home?" He can't believe this. "Pinilit mo'kong ihatid kanina nung nasa bahay kana tapos babalik ka sa bahay mo na wala man lang sasakyan? Are you really gone crazy?"


"Hinatid kita dito kasi ayokong mapahamak ka." Naging seryoso ang tonong pananalita nito. "Hindi ko kakayanin na may mangyare sa'yo. Wag mong intindihin ang pagbalik ko sa condo ko, ako na ang bahala doon. Ang intindihin mo na lang ay pumasok sa bahay niyo baka hinihintay ka na ng daddy at mommy mo." Sabi nito.



"You should take my car back, isoli mo na lang bukas." Suhestiyon niya.


"Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko." Sabi pa nito.


"Per—" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng muli na namang maglapat ang kanilang mga labi.



"Halik mo lang ang nakakapag-palakas ng dibdib ko." Sabi pa nito bago tuluyang tumakbo palayo sa kaniya.


Naiwan siyang nakatingin sa papalayong bulto ng binata. Kapagkuwan ay sinapo niya ang kaniyang labi kung saan nangyare ang paglalapat ng kanilang mga labi.



Naipilig niya ang ulo sa labis na pag-iisip. Mali ang iniisip niya, hindi dapat siya nagpapadala sa mga halik nito. Hindi pwede, hindi maari. Kalokohan lang iyon at hindi siya nito tunay na gusto.


Walang ingay siyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse at nag-maneho siya papasok sa loob ng bahay nila hanggang sa mai-garahe na niya ang kaniyang kotse.


Pagkatapos niyon ay diretso siyang pumasok sa loob ng mansyon nila, nagulat siya ng maabutan niya ang kaniyang ama na sumisimsim ng kape sa salas habang nakadekwatro iyon.


"Uhmm." Hinagilap pa niya ang iba pang sasabihin. "Good evening po dad." Sabi niya at lumapit pa doon upang magmano ngunit hindi man lang nito inilahad ang kamay.


A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon