Chapter 32
NAGPAALAM na si Xiann ng matapos niyang kumain. Nagpasalamat siya sa dalawa habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Nakikita kasi niya sa mga kislap ng mga mata ni Quill at sa mga mata ni Daryll na may kinang doon. Makikita lang iyon sa mga taong pinapana ni kupido.
Hindi na niya hinayaang ihatid pa siya ni Quill. Nag-taxi na lang siya patungo sa condo unit ng binata. Doon siya pupunta dahil hindi siya umuwi kagabi at baka nag-aalala na ito sa kaniya.
"Nag-aalala nga ba?" Pagsalungat ng kaniyang isip.
Ilang minuto pa ay nakarating na siya at ngayon ay narito na siya sa pinto ng condo ng nobyo. Huminga siya ng malalim at pumasok sa loob noon.
Naabutan niya ang nobyo niya na naghahanda ng pagkain.
"Hey love." Pinilit pa niyang pasiglahin ang boses. Pinilit niyang hipan ang baga sa kanilang relasyon para umapoy muli iyon tulad ng dati. Akmang hahalikan niya ang binata ay umiwas iyon tulad ng dating paghalik niya. Umiwas din iyon.
"Tatawagin ko muna si Chrystine para mag-almusal." Malamig ang boses nito at nilampasan siya.
Mali na siguro ang ginawa niyang pagbalik hindi ba? Ramdam niya na ayaw na sa kaniya ng binata base sa pakikitungo nito sa kaniya. Ang baga sa kanilang relasyon ay unti-unti ng nawawala, unti-unti na itong nagiging isang malamig na abo.
Ni hindi man lang nito siya tinanong kung saan siya nanggaling. Kung sino ang nakasama niya, kung bakit hindi siya nakauwi at kung anong nangyare sa kaniya. Wala siyang ibang narinig kundi ang pangalang Chrystine. Iyon lagi ang bukang bibig nito sa kaniya.
Pinunasan niya ang mga luha sa kaniyang mga mata ng dumating na ang dalawa. Magkahawak iyon ng kamay habang inaalalayan ng nobyo niya ang dalaga na para bang nalumpo iyon.
Sa pagkakaalam niya ay buntis lang iyon hindi lumpo. Bumaling ang tingin ng dalaga sa kaniya at nginitian siya nito ng nang-aasar.
He badly want to slapped the face of this woman. Pulled her hair and kicked her face, but he did not do all of it. Mas pinili niyang kalmahin ang kaniyang sarili. Mas pinili niyang ngumiti ng pilit at pasiglahin ang sarili kahit hirap na hirap at sobrang sakit na ng nararamdaman niya.
"Anong gusto mo Chrystine? Niluto ko lahat ng paborito mo." Sabi ng kaniyang nobyo na puminit muli sa sugatan niyang puso.
Dati-rati paborito niyang pagkain ang inihahanda nito sa hapag-kainan ngunit ngayon paboritong pagkain na ng dalaga ang nakahain doon.
Hindi niya kayang pagmasdan ang dalawa habang maligaya ito ng uusap. Na pati mga mata ay nangungusap din.
"Uhmm." Napalunok pa siya. Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ngunit pinilit niya. "Magbibihis lang ako. Kumain na kayo, tutal kumain na rin naman ako." Sabi niya at tumalikod na. Sabay sa pagtalikod niya ang isang butil ng luhang puno ng hinanakit at pasakit ang lumaglag sa kaniyang mga mata.
Agad siyang pumasok sa loob ng kwarto nila at agad niyang isinarado ang pinto. Napasandal siya sa hamba ng pintuan at sunod-sunod na nagpatakan ang kaniyang mga luha. Mahihinang paghikbi ang ginawa niya, hindi siya lumikha ng ingay dahil baka marinig siya ni Justine.
Bakit hindi na lang nito sabihin sa kaniya na ayaw na nito? Bakit hindi na lang siya nito sampalin ng katotohanan hindi yung ipinaparamdam pa sa kaniya. Hindi yung araw-araw pang sinasaktan ang kaniyang damdamin.
Parang naninikip ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit niyon. Eto parin siya. Kahit alam niyang nasasaktan na siya ay mas pinili parin niyang panghawakan ang pangako niya. Aalis lang siya, aalis lang siya kapag ito na ang nagtulak sa kaniya palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/279402347-288-k730759.jpg)
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)
RomansaWARNING: Mature Content| SPG| R-18 (BoyxBoy) (Mpreg) Zech Justine Skyler, handsome, rich, famous with a seductive smile. He is also known as panty ripper, yeah he is a panty ripper. He has a lot of flings, have sex a lot of girls to satisfy his need...