EPILOGUE

5.5K 201 9
                                    

Epilogue

      HINDI alam ni Justine kung ano ang gagawin niya. Nasa loob ng hospital si Xiann at pinapaanak. Sisaryan ang kaniyang asawa dahil wala namang paglalabasan ang sanggol.

Naawa siya sa asawa niya dahil alam niya kung anong ginagawa sa ganoong klaseng panganganak.

"Shit! Shit! Shit." Kanina pa siya palakad lakad at hindi niya alam kung saan siya pupunta.

"Could you please calm down son?" Saway sa kaniya ng ina niya.

"Yeah, you should calm down honey. Magiging ligtas ang baby at ang asawa mo." Pagpapanatag naman sa kaniya ng ina ni Xiann.

"Excited na kami sa baby na lalabas. Bakit ba kasi hindi pa nagpa ultra sounds si Xiann, edi sana nalaman na'ten ang itsura ng bata." Bakas talaga ang excitement ng dalawang ginang.

"Pa suspense pa balae ano?" Segunda naman ng ina niya.

Mga ilang minuto o oras ang lumipas bago lumabas ang doctor at agad silang pinuntahan.

Ayos na ba? Ano na kaya ang lagay ng asawa niya?

"Doc, kamusta po? Anong gender ng baby?" Agad na pabungad na tanong ng ina niya.

"Oo nga doc, lalaki ba? O babae?" Segundang tanong naman ng ina ni Xiann sa halip na tanungin ang lagay ng asawa niya. Tch.

"Doc, kamusta po ang asawa ko? Ano pong lagay niya? Nasa maayos na po ba siya?" Tanong naman niya.

Ngumiti ang doctor. "It all went well. And congratulation to you. Your husband gave birth to your twin baby boy." Anunsiyo ng doctor na labis niyang ikinagulat.

Nung malaman niyang magkakaanak ang asawa niya ay labis ang gulat niyang naramdaman ito pa kayang dalawa na lalaki ang inanak ng asawa niya? He can't believe this? Hindi na niya kinaya, nandilim na ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.

Natagpuan na lang ni Justine ang sarili niya sa loob ng isang silid. Agad niyang nakita ang ina niyang nagbabantay sa kaniya.

"Mom? Kamusta ang baby? Are they okay? What happened to Xiann? Is my husband okay?" Sunod sunod na tanong niya ng maalala niya ang asawa at kambal niyang anak.

"Sus Justine. Lagi ka na lang hinihimatay." Panunudyo ng ina niya. "Ayon ang mag-ama mo sa loob ng silid. Ayos naman ang mga baby. Ang cute nga nila at pinaghalong mukha ninyo ni Xiann."

Labis na kasiyahan ang lumukob sa kaniyang buong pagkatao. Nanganak na ang asawa niya? At kambal pa? He can't wait to hugged his babys, to embrace them, to kissed them and to be with them. Maraming pumapasok sa kaniyang isip na gustong-gusto niyang gawin ng nasa sinapupunan pa ito ng asawa niya. Ngayon na nasilayan na nito ang mundo ay excited na siyang gawin ang mga iyon.

Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tumayo na.

"Let's go mom. Lets meet my twins." He said and went out of the room.

Doon siya nagtungo sa silid ng kaniyang asawa. Alam niyang naroon ang mga anak niya.

Pagkapasok na pagkapasok palang niya ay mga mata agad ng asawa niya ang nakita niya. Nasa tabi nito ang dalawa niyang anak.

Agad siyang lumapit doon. Bigla na lang may nangingilid na mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang magkakaroon sila ng anak ni Xiann. Hindi parin siya makapaniwala.

Dumukwang siya at binigyan ng mga halik ang labi ng kaniyang asawa at ang pisngi ng kaniyang dalawang kambal.

Hindi na niya napigilan ang luha na biglang bumagsak sa kaniyang mga mata. Naluluha siya sa sobrang saya. Ang ilang buwan niyang paghihintay na lumabas ang mga anak niya ay worth it na worth it.

A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon