CHAPTER 11

4.3K 166 6
                                    

Chapter 11

          PAGPASOK palang ni Justine sa cr ay galit na agad ang rumehistro sa kaniyang buong pagkatao ng makita niya ang kaibigan niyang si Quill tinutulungang hubarin ang suot na damit ni Xiann.

Tumungin ang dalawa sa kaniya ng mapansin ang pagpasok niya.

"Why are you here?" Quill asked.

Wala ng pagsagot pa, agad niyang sinugod si Quill at malakas itong sinuntok dahilan para matumba si Quill. Susugurin pa sana niya ito para suntukin ulit humarang lang si Xiann.

"What the hell is your problem?!" Xiann shouted.

"Bud, why the hell you punch me?!" Quill asked while wipping the blood drops in the corner of his mouth.

"Anong problema ko?" Sarkastiko ang boses niya. "Ikaw ang problema ko, you're stealing what is mine." He angrily shouted.

Lumapit siya kay Xiann at kinapitan ito sa kamay at hinila, pinigil nito ang paghila niya.

"Ano bang problema mo? Bitiwan mo'ko." Sabi pa nito.

"Let's talk." He said in a cold tone.

Kahit ayaw man ni Xiann na sumama kay Justine ay wala siyang nagawa, malakas siya nitong hinila kaya napilitan siyang sumama sa lalaki.

Maraming tao ang nagtitinginan sa kanila hanggang sa makalabas sila ng bar ni Quill. Tumigil sila sa tapat ng kotse ni Justine, binuksan nito ang pinto ng passenger seat sabay tumingin sa kaniya. Makikita ang galit sa mga mata nito.

"Get in." Justine said.

"Why?" He asked. "Why did you do that to Quill? At ano yung sinasabi mong pag-aari? Hindi kita maintindihan Justine."

"Get in!" Sabi nito sa mataas na boses imbis na sagutin nito ang tanong niya.



Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na lang sa loob ng kotse, gustuhin man niyang sumigaw at bulyawan ang lalaki ay hindi na lang niya ginawa dahil nakaramdam siya ng takot sa binata.


Matapos niyang makasakay ay pabalang nitong sinara ang pinto dahilan para maglikha iyon ng malakas na ingay. Umikot sa kabila si Justine at sumakay iyon sa driver seat at mabilis na pinaandar ang sasakyan.


Nanatili siyang walang imik at walang kibo habang minamaneho ni Justine ang sasakyan, maging iyon ay hindi rin nagsalita o kahit isang boses lang ay walang lumabas sa bibig nito. Nanatili ang ganung klaseng katahimikan sa buong sasakyan.


"What do you think you're doing? Why did you punch Quill?" He asked, hindi na rin naman kasi niya maatim ang katahimikan.


Tumingin ito sa kaniya ng walang emosyon pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa daan. "I did that because i get pissed." He said in a cold tone.


Hindi siya makapaniwala, naging malaking gatla sa noo ang nakuha niya sa sagot nito. Sinuntok nito si Quill dahil lang nainis ito? Bakit? Yun ang tanong na nanatiling umeere sa kaniyang isipan.


"I don't understand you Justine." He said. "Sinugod mo si Quill dahil lang sa naiinis ka? Bakit? Di'ba magkaibigan kayo? Why the hell did you do that!"


Nanatiling walang sagot si Justine, nanatili lang itong nakatingin sa daan habang minamaneho ang sasakyan.


Naiinis na siya sa responde sa kaniya ni Justine, wala siyang makuhang sagot dahil sa ginagawa nito.


"Ipara mo na ang kotse baba na ako." Aniya.


And still no response came from Justine's mouth. Patuloy lang iyon sa pagmamaneho na para bang hindi siya napapakinggan.


A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon