CHAPTER 33

3.3K 148 18
                                    

Chapter 33

         HINDI alam ni Justine kung saan siya mamamalagi. Kung kay Xiann ba na nobyo niya o kay Chrystine na ina ng dinadala nitong anak niya.

Ayaw pa niyang makita si Xiann ngayon kahit labis-labis ang pag-aalala niya dito. Gusto niyang malaman ang totoong nangyare kay Chrystine.

Sinabi naman ng doctor na mabuti at maayos na ang lagay ng baby sa sinapupunan nito. Narito siya naka-upo sa sofa malapit sa kamang kinahihigaan ni Chrystine habang hinihintay itong magising.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na ang dalaga agad niyang nilapitan ito.

"You're awake." Sabi niya. "Are you okay?" Tanong niya.


"Kamusta ang anak ko? Kamusta ang baby naten? Anong sinabi ng doctor?" Sunod-sunod at puno ng pag-aalalang tanong ng dalaga.


"Don't worry our baby is safe now. You just need slme rest." Pagpanatag niya sa kalooban nito. "Ano ba ang nangyare?"

Ang mga titig ng dalaga ay tila takot na takot ito. May luha pang pumatak sa mga mata nito. "Xiann tried to kill me Justine. Gusto niyang patayin ang baby sa loob ng tiyan ko. Nagseselos siya sa baby naten Justine. Ayaw niya sa baby naten." Seryoso ito habang patuloy na ang pamamalisbis ng luha.

Namuo ang galit sa kaniyang pagkatao. Kaya pala una palang nararamdaman na niya kay Xiann na ayaw nito kay Chrystine lalo na sa anak nya.

"Are you telling the truth?" He want to make sure that she was not lying.

"I'm telling the truth. Bakit hindi ba niya sinabi sa'yo ang mga ginawa niya sa'kin? I know Justine. Hindi iyon aamin sa kasalanan nito dahil gusto nitong maging anghel ito sa paningin mo. Masama si Xiann, Justine. Gusto niyang mawala ang baby sa sinapupunan ko."

Kaya pala nagalit ito ng malamang magkakaanak na siya. Ngayon lang niya nalaman na ayaw pala nito ang anak niya. Anak niya iyon kaya kahit mahal niya si Xiann ay hindi na niya alam kung anong magagawa niya dito.

Isa pa hindi na rin niya sigurado kung mahal pa siya ng binata. Lalo't alam niyang nagkaka-mabutihan na ito at ang kaniyang kaibigan.

Someone told him, na doon tumulog si Xiann sa bahay ng kaibigan niyang si Quill at hindi na niya alam kung ano pa ang sunod na nangyare doon.

Galit at selos na ang nararamdaman niya. Hindi siya makakapayag na gawan ng masama ni Xiann ang anak niya kailangan niyang makausap ito.

        SAKTONG paggising ni Xiann ay pumasok ang doctor. Bakas sa mukha nito ang kakaibang emosyon.


Nagtaka siya kung bakit siya narito sa silid na ito. Hinalukay niya ang isipan at nalaman niya ang huling nangyare sa kaniya. He passed out and loose his conciousness.


"Mr. Xiann right?" Pabungad sa kaniya ng doctor tumango naman siya. "Glad you're awake."


"Ano pong sakit ko doc?" Tanong niya.


"Wala kang sakit mr. Xiann." Ramdam niya na may kakaiba sa boses nito. "But you are pregnant."


Pregnant? Tama ba ang narinig niya? Iyon ba talaga ang narinig niya o baka namali lang siya ng dinig.


"What?" Naguguluhang tanong niya sa pag-aakalang na mali lang siya ng rinig.


"Buntis ka mr. Xiann. You are two months pregnant. This is the first time i encounter this kind of situation pero totoo ang lahat ng sinabi ko. Buntis ka. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit kahit saang doctor ka pa magpatingin iyon at iyon parin ang sasabihin nila sayo."


A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon