CHAPTER 35

3.5K 139 11
                                    

Chapter 35

         JUSTINE was busy taking care of Chrystine. He feed her, take care of her like he always do, he always do not for the mother but for his baby.

Pumasok na siya sa kaniyang kwarto. Gabi na rin bago siya matapos alagaan ang babae. Pakiramdamam kasi niya na sa pamamagitan ng pag-aalaga sa dalaga ay parang inaalagaan na rin niya ang kaniyang anak kahit nasa loob pa ito ng sinapupunan.

Kumuha siya ng tuwalya sa drawer. Laking gulat at pagtataka niya ng makitang wala ang mga gamit doon ni Xiann. Hinanap pa niya ang mga damit nito ngunit pati ang damit niyon ay wala. Hinalughog na niya ang buong kwarto ngunit wala talagang gamit ang binata. Liban na lang sa singsing na nakapatong sa bedside table.

Pinagmasdan niya ang singsing na iyon. Ito ang singsing na ibinigay niya kay Xiann ng mga panahong sagutin siya nito. Nang mga panahong naging magkasintahan na sila.

Lumayas na ang binata. Sino ba naman kasi ang hindi lalayas kung sa mga sinabi niya. Oo, alam niyang masakit ang mga nasabi niya pero mas masakit parin yung mga nalaman niya.

Bukod sa balak nitong saktan ang anak niya ay nagkakamabutihan pa ito pati ang kaibigan niyang si Quill. Kung hindi pa dahil kay Chrystine hindi pa niya malalaman na iniiputan na pala siya ng nobyo sa ulo.

Nagtaksil ito sa kaniya at iyon ang kinagagalit niya. Kahit mahal niya ito ay hindi parin niya kayang harapin ito. Siguro kailangan muna niya ng oras para makapag-isip. Kailangan nilang pareho ng espasyo sa isa't isa.

Inilapag niya ang singsing sa bedside table at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bathroom agad siyang naligo at nag bihis. Tanging boxer lang ang suot niya ng siya'y humiga na para tumulog.

Awtomatiko siyang napatingin sa pinto ng makita niyang bumukas iyon. May sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi sa pag-aakalang iyon ang nobyo niya pero hindi. Si Chrystine ang iniluwa ng pinto.

Agad siyang bumangon at kuno't ang noonf tumingin siya dito.

"Why are you here?" He asked.

"I can't sleep in my room. Justine, pwede ba akong tumulog dito? I'll promise i'll behave myself. I'm not going to do anything to you." She said sounds pleading.

And for the sake of his baby. Pinayagan niyang matulog doon ang dalaga, wala namaj si Xiann kaya pwede itong tumulog doon. Isa pa nangako ito na wala itong gagawin sa kaniya.

"I just want to remind you Chrystine. I don't love you, i only love Xiann. Know your boundary." Sabi niya at ipinikit na ang kaniyang mga mata. Panatag siyang walang gagawin sa kaniya ang dalaga.

Nagising siya ng maramdaman na tila may humahalik sa mga labi niya. Malalaki ang mga mata niyang naimulat at nakita niya ang dalagang nilulukumos ng halik ang labi niya. Bahagya niya itong itinulak ata agad pinunasan ang mga labi niya gamit ang kamay.

Piling niya sa simpleng halik sa kaniya ng dalaga ay nagtaksil na siya kay Xiann. Hindi maaari ito.

"Chrystine anong ginagawa mo?" Inis niyang tanong sa dalaga.

"Justine, i'm horny. I want you, i want you right now." Sabi pa ng dalaga at akmang hahalikan na naman siya nailayo lang niya ang kaniyang mga labi.

Masasama ang titig na ibinato niya sa dalaga. "I don't care if you're horny. Nag-usap na tayo. Pinayagan kitang matulog dito para ganiyan ang gawin mo sakin. Did i make it clear to you? Know your boundary! Know your fucking boundary Chrystine. Kung hindi mo aalamin iyon, umalis ka na lang. Umalis ka na lang dito sa kwarto ko." Sabi niya dito.

A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon