CHAPTER 18

3.6K 181 5
                                    

Chapter 18

       NATAGAL ng ilang linggo ang pangungulit sa kaniya ni Justine, hindi talaga siya nito tinatantanan hangga't hindi niya natatanggap na si Justine na ang kaniyang boyfriend. Na ito ay mahal na mahal niya.

Heto nga at inaya siya ng binata na mag date daw sila, ang binata daw ang bahala sa lahat. Hindi pa nga siya nagsasabi na pupunta siya pero agad na nitong pinatay ang tawag.

Inilapat niya ang kaniyang telepono sa kaniyang dibdib at mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi talaga siya pwedeng humindi sa binata. Gagawa talaga at gagawa iyon ng paraan mapapayag lang siya.

"Pupunta ba ako?" Pagkausap niya sa kaniyang sarili. "O hindi na lang? Pa'no kung kulitin na naman ako nito? Alam ko naman na hindi siya titigil mapapayag lang ako. Isa pa magkarelasyon na rin naman kami." Sabi niya. "Pero hindi naman kami talaga tunay na mag jowa." Pagsalungat ng kabilang bahagi ng kaniyang isip.

Mariin niyang tinabunan ng unan ang kaniyang mukha. Napa-frustrate na siya, hindi na niya alam kung sa sarili kung pauunlakan ba niya ang gusto nito o tatanggihan na lamang niya.

Awtomatiko siyang napabalikwas ng bangon ng marinig niya ang pagtunog ng telepono niya. Agad niya iyong hinanap at napag-alaman niyang nagbigay ng mensahe ang binata.

Nagkukumahog na pinindot niya iyon at agad binasa ang mensahe nito.

From: Justine;

       "I'll pick you up tonight" -His message.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niyang kanina pa mabilis ang pagtibok. Susunduin siya ng binata ngayong gabi? Konti na lang ang oras na natitira niya para lamunin ng kadiliman ang liwanag at hindi parin siya nakakapag-pasiya kung anong disisyon niya.

"Argh!" Napasigaw siya sa labis na frustrated niya.

Wala siyang ibang ginawa kundi ang bumangon at napakamot na lang siya sa sariling buhok. Agad siyang nagtungo sa bathroom at hinubad lahat ng kaniyang suot.

Hindi nga niya alam kung bakit siya naliligo, suguro ay nakapag-pasiya na siya na sasama sa alok nitong date sa kaniya. Isa pa iyon na din naman ang kauna-unahang date nila ng binata.

Natapos siyang maligo at ngayon ay pumipili na siya ng damit na isusuot. Halos ilang minuto na nga ang lumipas ngunit hindi parin siya nakakapag-pasiya.

"Which one? This one." Sabi niya habang itinaas ang puting polo niya. "Or this one." Sabi naman niya nang itaas ang maroon niyang polo.

Bigla siyang napakunot ng biglang may pumasok sa isip niya. Bakit nga pala niya pinag-iisipan pang mabuti kung anong isusuot. Bakit parang gusto-gusto niyang maging presentable sa paningin ng binata.

Agad niyang dinampot ang puting polo at agad niya iyong isinuot. Hindi na niya kailangan mamili pa, isa pa wala rin namang kwenta ang binatang ide-date niya.

Naisuot na niya ang polo at kaagad niyang sinipat ang kabuuhan ng mukha niya sa salamin. Bagay na bagay sa kaniya ang puting polo kahit simple lang ang suot niya.

Matapos iyon ay maglalagay na siya ng pabango ngunit maraming pabango ang pwedeng niyang pagpilian. Pipili na sana siya pero biglang pumasok sa isip niya na hindi na nga pala niya dapat pag-aksayahan ng oras pa ang binata. Hindi naman importante iyon sa kaniya.

"Hindi nga ba?" Pagsalungat ng kabilang panig ng kaniyang isip.

Makailang puslit din ng pabango ang ginawa niya sa buo niyang suot. Amoy na amoy ang pabango niya, ata talagang napakabango nito.

A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon