Chapter 34
LUMAPIT ang kaniyang ina at kunot ang noong tumingin sa kaniya. Pati ang katulong ay kunot din ang noo.
"What happened son? Why did you vomit?" Elisabeth asked.
"Malansa po yung luto ng isda." Sabi niya.
"What?" Hindi makapaniwalang sabi ng kaniyang ina. Bumaling ang tingin nito sa katulong nila.
"Ma'am, i'm sorry po uulitin ko na lang po ng kuto." Paghingi ng paumanhin ng katulong na bahagya pang nakatungo.
"No need, i know you're a good cooked." Bumaling sa kaniya ang ina. "Di'ba dati naman paborito mo ang luto ni yaya pero anong nangyare at bigla ka na lang na suka?" Tanong nito. Lumapit ang ina niya sa lamesa at inamoy nito ang ulam na ikinasuka niya. "Mabango naman ah? Wala naman akong naamoy na malansa." Takang sabi ng ina.
"But mom, malansa talaga siya." Pagpupumilit niya. "Ate Perla pakitanggal na po iyan. Mom, ayoko na pong kumain. Gusto ko pong kainin ay ice cream na strawberry ang flavor." Sabi niya sa ina habang nanunubig ang kaniyang bagang.
"But we dont have ice cream strawberry flavor. We only have vanilla like you used to eat." Her mom said.
"I hate vanilla. Mom i want strawberry. I want only strawberry." May pagmamaktol niyang sabi at lumakad na siya papunta sa kwarto niya. Hindi pa siya nakakalayo ng pumihit siya paharap. "I'll wait inside my room." He said.
Nag-aalburoto na ang tiyan niya gustong-gusto na talaga niyang kumain ni ice cream strawberry flavor. Yun lang ang gusto niya at wala ng iba.
Matapos niyang makarating sa loob ng kwarto niya ay patihaya siyang sumalampak sa kama niya. God, he missed this bed. He missed laying on this bed and sleeping, lalo na yung araw na hindi pa niya nakilala ang binata.
Kung hindi sana niya ito nakilala edi sana wala siyang problema. Edi sana hindi siya nasasaktan ng ganito. Tanga ba siya na minahal niya ng lubusan ang binata?
Ilang minuto pa ay narinig na niya ang pagkatok sa kaniyang silid. Hindi niya namalayan na lumuha na pala siya. Mabilis niya itong pinunasan at bumangon para pagbuksan ng pinto.
Nilakihan niya ng bukas ang pinto ng makita niya ang kaniyang ina. May kung ano siyang nararamdaman sa ina. Alam niyang ang itsura nito pag may nais malaman sa kaniya.
"Son, here's the ice cream strawberry flavor. I asked one of our maid to go buy it for you." His mother said.
Mabilis niyang tinanggap iyon at binuksan. Para siyang batang sayang sayang nakatanggap ng laruan. Nanunubig na ang kaniyang mga bagang ngunit biglang pumasok sa kaniyang isip si Chrystine at si Justine.
Itong ice cream na ito ang pinabili ni Chrystine kay Justine nung mga araw na gusto nitong kumain ng ice cream. Kahit pa nga gusto niyang humingi at kumain ng ice cream ay hindi na niya ginawa. Ayaw niya ng may kasalo siya sa paborito niya.
Ibinalik niya sa pagkakatakip ang takip ng ice cream at inilahad iyon sa kaniyang ina. Ni hindi man lang niya nagawang tikman o kainin iyon. Pagginawa niya iyon ay mas lalong maalala pa niya ang dalawang pumunit ng kaniyang puso. Lalong lalo na ang lalaking minahal niya pero hindi pala siya ang mahal.
"Why are giving it back to me? Don't you like it anymore?" Elisabeth asked.
"Yeah, i don't want it anymore. Iba na ang gusto ko. I want ice cream chocolate flavor." Sabi niya at tulad ng kagustuhan niyang kainin ang sorbetes na strawberry ang flavor ay ganun din ang panunubig ng kaniyang bagang sa chocolate flavor.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)
RomanceWARNING: Mature Content| SPG| R-18 (BoyxBoy) (Mpreg) Zech Justine Skyler, handsome, rich, famous with a seductive smile. He is also known as panty ripper, yeah he is a panty ripper. He has a lot of flings, have sex a lot of girls to satisfy his need...