CHAPTER 3

4 1 0
                                    

HIRAETH'S POV

"Sa tingin mo kakayanin niya?" May narinig akong malaking boses na nagsasalita pagkabukas ng mga mata ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako, dahil nakatakip ang mga mata ko. Wala na yung sako kanina na nilagyan nila ng pampatulog na naging rason kung bakit hawak nila ako ngayon.

Pero sino itong mga 'to? Hindi ko sila kilala, at wala din akong maalala na may nagawan ako ng masama. Hindi naman nila ako papatayin diba?

I started to think about the things I did today, from that guy at the rooftop hanggang sa paglabas ko ng classroom.

Is what he said true? Mapanganib ba siya? Pero wala naman akong ginawa sa kanya na pwedeng magresulta sa kidnap-an, I didn't treat him badly. Well, atleast I don't think I did... Nagsorry din naman ako nang matapakan ko ang daliri niya.

"Sino kayo?" Sinubukan kong magpumiglas, sakaling masira o maalis ang lubid na nakatali sa kamay ko ngunit mahigpit ang pagkatali nito.

May narinig akong yapak ng mga paa papunta sakin. Tinanggal niya ang blindfold na nasa mata ko, dahilan para masilaw ako sa liwanag.

Nang nasanay na ang mga mata ko sa liwanag, ay tinaas ko na ulit ang aking tingin. Nakatitig sa akin ang mga mata ng lalaking nakita ko sa rooftop kanina.

"We met again." he said while looking at my eyes with a serious face.

"Panong hindi tayo magkikita e kinidnap mo ako, baliw ka ba?" ugh this guy is trying to get on my nerves.

"Whatever. Kalasin niyo." utos nito sa mga kasama niya.

Inalis nila ang pagkatali ng kamay ko sa likod ng upuan at hinayaan nila akong makatayo. Nasa rooftop kami, wala akong chance na makatakas dahil paniguradong naka lock ang pinto papasok sa loob ng building, I'm not dumb enough to not know that.

"You see that coin below?" He asked as he pointed his index finger below.

"Oh? Anong gagawin ko dyan?!" pagtataray ko sakanya.

"I'm not pleased by the way you answer. Umayos ka." seryosong sabi nito at tumingin ng madiin sa mga mata ko.

His look is giving me chills down my spine, he looks like he'll murder me anytime now. "A-anong gagawin niyo."

"Gusto mo bang sirain ko buhay mo?" humakbang siya ng dalawang beses patungo saakin habang sinabi niya ang mga ito.

What does he mean by sirain? It has two meanings. one is sisirain nya sa paraan na maayos at ang pangalawa naman ay sisirain nya sa hindi magandang paraan. And I really don't want it to be the latter.

"H-huh? Even if you're handsome hindi ko ipapasira sa iyo ang buhay ko." taas noong sabi ko sakanya. I'd rather think that it's the first one.

"Pinagsasabi mo?" he knotted his eyebrows and looked at me as if asking 'are you crazy?'.

"Ano bang pinapahiwatig mo?" I don't want to piss him off, he'll definitely kill me if I do but I need him to clarify things because I have a strong will to not die on this day and it'll urge me to be in denial.

"I'll make your life a living hell." naging seryoso ang tingin nito at yumuko ng kaonti para maging kasing height ko sya.

How I wish na sana nakikipag biruan lang siya pero ni isang tumatawa ay wala sa kanila, kung panaginip man ito gusto ko nang magising.

"Pero hindi ka naman papayag na mapatay kita diba?" ha??? Kahit hindi naman ako pumayag eh papatayin niyo parin ako, bakit nagtatanong ka pa? Ginagago mo ba ako?. Pero shempre hindi ko sasabihin yan dahil baka mamatay talaga ako.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now