CHAPTER 19

4 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Am still sad about the thing yesterday, nalulungkot ako ng sobra dahil sa sinabi niya.

Wala akong magagawa sa paghilom niya pero kaya kong pagaanin ang nararamdaman niya.

Hindi pwedeng ganito na may taning na ang buhay niya pero hindi sila ayos ng kinakasama niya. Kakausapin ko si Kyle.

Hindi na ako matatakot sa tatlong babae na 'yon. Dahil limang araw nalang ang itatagal ko dito. Hindi ako papasok at aasikasuhin lahat ng problema ko.

Wala sa rooftop si Kyle pero nandoon naman sina Hugo at Carl. Lumapit ako sa kanila at nagtanong.

"Nasaan si Kyle?" Maayos na tanong ko sa kanila.

"Umalis." Saad nito. "Noong minsan ay may dalang mga tsokolate ngayon naman ay umalis para bumili kuno ng bulaklak."

Kung ano ano pa ang sinasabi nila, hindi nalang sabihin kung saan at anong oras siya uuwi.

Pero nakakapanibago ang sinabi nila, naririnig kong talak ng mga estudyante ay hindi interesado sa babae si Kyle pero ano itong naririnig ko sa kanila na lumabas siya para bumili ng bulaklak?

Hindi na ako nagsalita pa sa harap nila at lumabas ng rooftop. Uwian ko nalang siya babalikan.

Nagr-ring ang phone ko at huminto ako saglit para sagutin ang tumatawag. Si Sid.

Dahan dahan ang bumababa dahil ayaw kong may nakakarinig sa pinaguusapan namin ng lalaking gusto ko.

"H-hello?"

Napapaisip ako sa kung ano man ang rason ng biglang pagtawag niya.

"Hi." Malumanay ang boses na naririnig ko mula sa kanya. "Busy ka?"

"H-h-hindi.." Sudden trembling hits different. "W-w-why?"

"Let's have lunch together." Hindi ba ako ganon kaganda at hindi niya nagagawang mautal? "Saturday. Available ka?"

Mabuti naman ay siya ang unang tumawag dahil may balak rin akong sabihin sa kanya, sasabihin ko na hindi ko boyfriend si Lex.

Sa dami ng problemang kinakaharap ko ay may isang araw na libre ako. Hindi naman magugulo ang lahat kung magsasaya ako ng isang araw diba? I need to rewind.

"Just us two." He added that made me tremble even more.

Napasandal ako sa pader at napahawak ako sa pisngi. Nag-iinit ang kutis ko.

Date? Magd-date ba kami? Omg!

Napangiti ako sa sariling pag-iisip. I wonder what will happen during that day. I should bought a camera with me. I'll capture all the things that I loved in here.

Someone shookt my body off at nahilo ako. Nabuhay ang kaluluwa ko, nakatingin pala ako sa kawalan. Nasira ulit ang araw ko ng makita ang taong umalog sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Si Cyrus. "Para kang tanga."

Nararamdaman kong parang nasa harap ko yung tatlong babaeng inaway ako kahit wala naman sila. Hindi ako nagbigay ng anumang reaksyon sa sinabi niya na mukha akong tanga dahil mahabang usapan nanaman ang mangyayari.

Nagsimula akong maglakad paalis na walang sinasabi pinigilan ako ng kamay niya at galit na nakatingin sa akin.

"I hate your fvcking face." He murmured.

And I still did the reaction I gave earlier, I left with a straight face whispering to myself.

"Ako din." It's impossible na narinig niya ang sinabi ko.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now