HIRAETH'S POV
Nagising ako bandang 6:00AM dahil nakaramdam ng pangangailangan ang lalamunan ko, hindi ko na rin naisipan pang pumikit ulit dahil umaga narin na.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Cyrus ay nakita ko siyang nakaupo sa sala at nakatunganga sa pader.
Dinaanan ko lang siya at lumapit sa ref para makakuha ng tubig.
Then out of nowhere, I remembered that one embarrassing moment when I touched him. It still can't get out of my head. Everything's still so clear.
Napasampal ako sa mukha dahil sa naiisip sa ganitong oras. Habang iniinom ang tubig na nilagay ko sa baso ay napatingin ako kay Cyrus na hindi nagbago ang postura.
Come to think of it, Lagi ba siyang nagigising ng maaga? Kasi, kahit isang beses lang ay hindi ko siya naunahan sa paggising.
Masyadong masama ang mga mata ko kaya kahit na nakasuot siya ng damit ay napapatingin ako sa tiyan niya at naiimagine na wala siyang suot.
Sa pangalawang pagkakataon sinampal ko nanaman ang sarili ko, napukaw ko na ang mga tingin niya.
Tinitignan niya akong nakakunot ang noo habang naka-crossed ang braso. Maya maya ay tumayo siya, ayan nanaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
Wala naman siyang gagawin sa akin, pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko parin maintindihan.
Pero nagkakamali ako, hindi siya lumapit sa akin. Nilagpasan niya ako gaya ng ginawa ko sa kanya at pumunta sa CR.
Why...
Bakit bahagyang nanginig ang dibdib ko? Parang sinasabi ko na sana huwag pero tumataliwas ito sa talagang gusto ko.I received a call yesterday from Lex, saying today is their general cleaning day that every gang would take part in. He even said this happens once every 3 months.
On my way back sa garage, nakakita na agad ako ng iilang kasama ni Cyrus na kanya kanyang may hawak ng walis at tumutulong sa matandang nagdidilig na nakatira sa harap.
Tinignan ko ang cellphone ko kung mayroon bang text kay papa o kung kanino man.
I suddenly thought about Sid. Hindi naman sa nagf-feeling ako na may something samin..Pero, ano kayang ginagawa niya at hindi man lang ako makamusta?
Ang bilis ng araw, sa sobrang dami ng problema na kinaharap ko ay hindi ko man lang napagtanto na birthday ko pala ang araw ng foundation day.
Napapaisip ako kung paano ko paghahandaan ang araw na iyon, Naaalala pa kaya ni Lex ang birthday ko?
I thought of Jade and suddenly I miss her again.
Nagsisi din ako maya-maya na pumasok pa ako pabalik sa garage dahil hindi pa pala ako nakakapagluto ng agahan.
Sa dami ng inisip ko ay nakalimutan ko ang mga dapat na unahin.
Bumalik ako sa loob ng bahay habang humihikab, may naaamoy na ako pagpasok palang at nanlaki ang mata ko nang umuusok na ang kawali at nangangamoy sunog ang paligid.
Nakita ko si Cyrus na ginagamit ang takip ng kawali para pananggalang at hindi siya matalsikan ng mantika, hindi ito ang tamang oras para matawa.
Agad agad akong lumapit sa kanya at inagaaw ang sandok.
"Umalis ka dyan." Maayos na sabi ko sa kanya at tinulak siya.
Tinignan ko ang itlog na nasusunog at durog dahil hindi nalagyan ng mantika ang kawali. Kita ring medyo malapot ang itlog dahil nilagyan niya ng tubig.
Hindi na siya maangas.
"I think dapat nagpadeliver nalang ako.." Nakatakip ang kamay sa bibig at naka-kagat labi niyang saad.
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Mystery / ThrillerD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...