HIRAETH'S POV
Nakagapos ang kamay ko kasama ang katawan ko sa isang upuan na nakahiwalay sa dalawang lalaki na sinabi ni Sha na pagingatan ko.
Mayroon silang sinusubukang sabihin pero wala akong maintindihan dahil sa nakatakip sa kanilang bibig.
Narinig kong bumukas ang pinto at nanatili akong tahimik, may tiwala ako kay Sha. Hindi niya ako kayang pabayaan.
She killed people more than I've saved, at hindi ako naniniwala na hindi niya ako ililigtas. Mabuti nalang ay hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa amin ni Lex.
Ngayon ko lang napagtanto kung bakit hindi niya ako masyadong pinagiinitan ay dahil sa sinabi ni Lex na may relasyon kami.
Ang nakuha kong sagot sa kaniya noong araw na 'yon ay hindi... Kaya niyang ibahin ang salita pero hindi sumasang-ayon sa kaniya ang gawa.
Nararamdaman kong mayroong nararamdaman si Sha kay Lex, at ganoon din ang nakikita ko kay Lex. Parang nagtataguan lang sila ng nararamdaman.
When she entered the room she was holding a brief case and placed it on the top of a table.
She carefully went infront of the two guys from Mugen while having that playful face. She opened a pocket in her chest, and a syringe came out from it.
She gradually injected the two guys, and seconds later. It made them unable to spout nonsense and put them to sleep.
Maya-maya ay bumalik siya doon sa harap ng brief case at binuksan ito, mayroong wine na nakapaloob dito at dalawang magarang baso.
Pareho niyang nilagyan ang dalawang baso at binigay sa matanda ang isa. Ngumiti ang matanda at pinagmasdan ako.
"Maybe she's just a crash party??" Nagsalita ang matanda at tumawang bahagya.
Sinakyan ni Sha ang biro niya, hindi ginagalaw ni Sha ang baso niya. Iyon ang napansin ko.
Sa segundong iyon ay napagtanto ko ang plinano niya, ininom ng matanda ang baso ng alak na binigay sa kaniya ng isahang inom lang.
Nang mapunta ulit sa akin ang tingin niya ay namamalikmata ito at pinupunasan ang mata.
Humarang si Sha sa harap ko at hindi ko na nalaman ang sumunod na nangyari, natagpuan ko nalang ang matanda na nakahiga na sa sahig at walang malay.
Her mood suddenly change...acting as if she's worried for him although she planned everything.
Binuksan niya ulit ang pinto at humingi ng tulong sa nagbabantay sa labas, nang makapasok ito ay mariin niyang sinarado ang pinto at pinatumba ang lalaki.
Pareho na silang tumba. Lumapit sa akin si Sha para tanggalin ang mga nakalagay sa katawan ko.
She's quick, smart, everything.
"Let's run." Agad niyang banggit sa akin at kinuha ang diamond sa ilalim ng brief case. "Quick!"
Nang makalabas kami ay walang mga taong nagbabantay, maliit lang ang dyamante kaya walang maghihinala sa amin.
Ang mga bodyguard na nakikita namin ay hindi kami inaatake dahil wala pa silang alam sa nangyayari.
It seems that right now she has the spotlight. She went out using the red carpet while walking straight and flipping her hair with the black dress she's wearing.
I refuse to believe that she is real. Hindi ako dumaan sa dinaanan niya palabas dahil nakakahiya. Ang dumi na ng suot kong puting dress.
Nang nakabalik kami sa sasakyan ay pareho kaming huminga ng malalim dahil sa nangyari ngayong araw.
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Mystery / ThrillerD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...