CHAPTER 25

8 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Dahil wala akong nadalang damit at pupunta kami sa bar na kakabukas lang, humiram nalang ako ng disenteng masusuot kay Bea.

"Tanggalin mo yang salamin mo." Lumapit siya sa akin at hinila ang salamin ko.

Naging malabo nanaman ang tingin ko sa paligid, hindi ko namumukhaan si Bea at dalawang magkamukhang malabo ang nasa harap ko.

Kinuha ko sa kanya ang salamin ko at sinuot ulit ito, "Mapapahamak ako kung di ko susuotin 'to."

"Halata nga." Malamang ay sinuri niya ako. "Pumunta ka dito na malinaw mata, ang bilis naman magkadamage ng mata mo."

Hindi naman ako laging pagod at babad sa cellphone, nagbabasa lang ako ng mga libro at nagiisip ng kung ano ano kaya hindi ko maintindihan kung bakit lumabo ng ganito ang mata ko.

Humiram lang ako ng crop top, ang sabi niya ay short daw ang suotin ko pero hindi ako pumayag dahil masyadong maikli ang binigay niya at makikita na ang singit ko kaya kumalkal ako ng pajama sa damitan niya.

Siya naman ay naka satin na velvet dress na split ang thigh part, nakatali din ang buhok niya at nagmake-up siya. Now, I'm thinking kung hobby niya ba ang uminom at magparty.

Isang oras na akong tapos, siya naman ay nagd-desisyon pa kung ano ang sapatos na susuotin. Magara siya sa ayos ng damit.

"Okay na ba 'to?"

She's looking so fancy already, why even ask. She can literally pull anyone she want to have.

Cyrus and the gang is there, i'm having thoughts again. Nandoon din si Carl panigurado, ginagawa niya ba ito para kay Carl? Hindi nalang ako magtatanong dahil parang tama naman ang kutob ko.

Hindi naman pala kalayuan sa dorm ang pupuntahan namin, hindi na problema ang madilim na paligid dahil may mga ilang poste na ang nalagyan ng ilaw dahil sa TUMM.

They're the ones that is responsible for the needs of everyone.

Nagsisimula ng magkabuhay ang paligid.

Walang guard ang naka-abang sa entrance kaya agad kaming nakapasok, muntik akong nalula sa ganda ng loob at sa konti ng taong nandito.

Malawak ang space, magaganda ang palamuti ng opening, akala ko ang bar ay lugar kung saan kinakalimutan ng mga tao ang problema at sumasaya, pero bakit napapaligiran ako ng mga magkarelasyon na ngumingiti at nagk-kwentuhan.

Umupo kami sa bandang gitna, nilibot ko ang mata ko hanggang mapadpad ito sa itaas, mayroon pa palang second floor at third floor. Baka nandoon sila Cyrus.

"In a relationship po ba kayo?" May bartender na kinausap kami.

Pareho kaming natawa ni Bea, "Hindi po." Sabay naming tugon.

"Ang first floor ay para sa lovers, 2nd is for friends, third po ay para sa mga friends with benefits." Napatakip ako ng bibig sa huling sinabi niya, tinignan ko si Bea at bahagyang natawa.

"Feeling ko dapat sa 3rd floor ka." Inasar ko siya. "I heard nandito si Carl."

"Alam ko din. Kaya nga ako nagsuot ng ganito." Binigyan niya ako ng kinikilig na tawa.

Kanina sinabi niya sa akin ay wala siyang nararamdaman, ano itong pinapakita niya ngayon. Sabi na eh.

Umalis kami dito sa baba at umakyat sa taas para lumipat, dito naman ay katulad lang ng setting sa baba pero mayroong mga kwarto. Nakakarinig ako ng videoke, mga grupo ng magkakaibigan siguro ang nandito.

Hindi na kami nagkwarto at tumambay lang doon sa harap ng bartender, naging kakwentuhan siya ni Bea habang ako ay nananahimik lang at tumitingin sa paligid.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now