CHAPTER 11

7 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

"For the foundation day next month.." The principal talked inside the room. "There should be a performance by each section."

Ito ang pinaka ayaw kong parte ng school year, hindi naman ako mahilig makipag-kaibigan at hindi din ako sanay sa pagod. Kaya kada foundation ay absent ako at magr-reason nalang si daddy para sa akin.

"Anyone who wants to volunteer? It's either a group or solo performance. Hindi pwedeng wala dahil kilala niyo naman ang ating Student Council President right?"

Why he sounded like the students council's place was higher than his? And who's that president?

Ang lahat ay tumaliwas ng tingin sa kanya, kasama ang guro habang ako ay walang alam sa nangyayari sa paligid.

Tinignan ko si Bea at naka-iwas din ang tingin niya doon sa principal, tinawag ko siya.

"Bakit umiwas kayo ng tingin?"

"Ayos lang sana ang lahat eh pero hindi na nung binanggit niya ang pangalan ng President."

"Sino ba ang president?"

"H-hindi mo alam?!"

Umiling ako, sino ba?

"Si C-cyrus." Napanganga ako sa sinabi niya. "Kapag siya ang in-charge sa foundation day nawawalan ng gana ang lahat. Masyado siyang demanding, perfectionist."

May halong inis sa pagkasabi niya non, hindi ba siya natatakot na baka isumbong siya kay Cyrus at mapahamak siya katulad sa akin?

Hindi ko padin makalimutan iyong text niya sa akin na sinasabi niyang nagsisimula palang ang lahat, alam ko naman na hindi lang kasing simple non pero di ko inakalang magiging ganto ako katakot.

"Hira." Tinawag niya ako dahil nakatingin ako sa pader at lutang. "May dumi kili-kili mo."

Tinignan ko ang damit ko kung may dumi ba pero wala akong nakita, tinaas ko ang kamay ko at sinuri ang kili-kili ko kung may dumi ba talaga.

"Miss from the back." Naramdaman kong napatingin sa akin ang lahat at si Bea sa tabi ko ay tumatawa.

Tumingin ako sa Principal na nakangiti na ngayon, "She's gemini's representative."

He started clapping followed by the others, damn. Big trouble.

Hindi ako makapagsalita, nab-blanko nanaman ang bunganga ko parang may tape na nakatakip dito at nakagapos ako.

Kinausap niya pa ang teacher saglit bago umalis, Si Bea sa tabi ko ay palakpak ang tunog ng tawa.

"Anong ginawa mo?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Okay lang 'yan, close naman kayo eh." Hindi kami close ni Cyrus!

Pwede na bang magpalamon sa lupa? Simula nung message na 'yon ay hindi ko na siya sinipot at thankful ako na di ako hinihila ng mga kasama niya. Pero hanggang kailan ako tatakbo, panigurado ay may araw rin na gagamitin niya ulit sila Kyle, Carl at Hugo para kunin ako.

"Hindi mo ako naiintindihan." Hiniga ko ang ulo sa desk ko. Narinig kong tumunog ang upuan niya at lumapit siya sa akin.

"S-sorry na.." Hinaplos haplos niya ang buhok ko at di kalaunan ay niyakap ako. "Nakita kasi kitang ngumiti kay Kyle nung pumasok ka sa room ng hapon."

"Eh wala namang kinalaman si Kyle dito." Hinampas hampas ko ang desk ko at hinarap siya na magulo ang buhok ko.

"Anong wala? Tanga."

Minsan hindi ko siya maintindihan, kanina humihingi ng tawad ngayon ay minumura ako.

"Bise Presidente 'yon, pwede yon mangialam."

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now