CHAPTER 24

2 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Today is friday, kailangan kong dalhin ang P.E uniform dahil mapapagod nanaman ako.

Maaga akong nagising para makasabay kila Cyrus, nakita ko siya sa sala na nakaharap sa salamin at tinitignan ang sarili.

The necktie he's wearing looks a total mess, masyadong maluwag ang pagkakaayos. Lumapit ako sa kanya at kinalbit siya.

Pagkaharap niya ay agad kong hinila ang kurbata niya at inayos ito.

"Ayusin mo nga." Sinakto ko lang ang higpit para makahinga parin siya. "Ayan, mukha ka nang disenteng estudyante."

Pinagpag ko pa ang uniform niya bago tinanggal ang kamay kong nakahawak sa uniform niya.

Nakatingin lang siya sa akin at walang salita na lumalabas sa bibig niya, wala ba siyang sasabihin na thank you?

Bigla akong nailang, napagtanto ko na dahil sa nalaman ko kay Lex ay bigla akong naging mabuting tao sa kanya. I hated him, right? What's wrong with me.

The silence between us is so loud. Napatalikod ako ng biglaan at dahan dahan naglakad palayo.

"Uhumm." Umubo siya, kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Ginulo niya ng kaunti ang ginawa kong ayos sa kurbata niya. "This would do." Lumuwang ulit ang pagkakaayos nito at inalis niya ang itaas na butones ng polo na suot. "Nakakabawas kasi ng angas."

Nakababa narin si Kyle at nakahanda ng pumasok sa school. Kaya wala na kaming sinayang na oras at sumakay na sa sasakyan ni Cyrus.

"Bossing alam mo ba ang balita?" Pagsasalita ni Kyle habang nasa byahe kami.

"Yung bagong bar sasabihin mo." He said while simply looking at me in the mirror.

"Tama!" Lumiwanag ang mukha niya. "Bakit kaya pinayagan ni Master ang ganon?"

"Pwede tayong tumambay don, friday naman." Pagp-presenta ni Cyrus.

"H-huh?" Responde ni Kyle na nagtataka. "Hindi ka umiinom diba?"

Nakita ko sa salamin si Cyrus na ngumisi at tumawa.

"You never saw, but I always do." Nakangiti siya. "Not drinking would make my life boring."

"Yon!" Nagpakita nanaman si Kyle ng pagkasaya. "Aasahan ko yan bossing."

I feel like wanting to go too. Maybe I should invite Bea over to join me.

I'm 17 turning 18, i'm just curious. I won't drink and do anything bad.

P.E class na, magkasama kami ni Bea na nagpalit ng damit kaya tinanong ko na siya, Hindi ko na siya nakikita na kasama si Carl, at puno din ng eyebags ang mata niya.

"May bagong bar daw dyan." Nagulat ako dahil naunahan niya akong magsalita. "Samahan mo ako mamaya."

Looking at her, may rason siya kung bakit gusto niyang pumunta doon. "May problema ka no?" I asked out of nowhere.

"Magpapalipas lang." Sagot niya. "Tas tanga ulit." Ngumiti siya ng mapait.

"May problema ba kayo ni Carl?" Hindi ko naiwasang di magtanong.

"Hindi naman kami." Napanganga ako at nakaramdam ng goosebumps.

Hindi sila pero ginagawa nila ang ganon?!

"Friends lang kami." Dagdag niya. "Minsan kapag natipuhan niya, with benefits."

"May agreement kami na huwag pakialamanan ang isa't isa, hindi naman ako nasasaktan." But it looks like that. "I just hate it na he can pull anyone he wants."

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now