HIRAETH'S POV
The way she walks? So cool. The texture of her hair and how silky it is? So beautiful.
Ang dapat na iniisip ko ay kung paano ako napunta dito pero mas pinapangunahan ang tanong ko ng kagandahan niya.
Hindi mapagkakaila na maganda siya, mas maganda siya pag nakaharap mo na at tinitignan ka.
Nagniningning ang mga mata kong nakatingin sa kanya at siya naman ay nakatingin sa akin na parang basura ang nasa harap niya.
"Handle her." Utos niya sa babaeng nasa likod niya bago umalis.
Nilapitan ako ng babaeng iyon, tinanggal ang jacket na suot niya at sinuot iyon sa akin. Nginitian niya pa ako.
"Pasok ka muna sa loob at ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo." Pag-aaya nito at tinulungan pa akong makatayo.
Akala ko ay normal na bodega lang ito at puro kalat ang laman pero hindi. Nagulat ako. Dahil may nakita akong lalaking lumabas sa elevator.
At nagulat ako sa mga pormahan nila, mga nakasuot ng branded na mga damit at kung ano anong alahas ang nasa katawan.
Mayroon pang isang lalaki na may nakalagay na diamond sa noo, hindi ba alanganin ang buhay niya sa ganoong sitwasyon?
Huminto kami sa tapat ng elevator at naghintay sa lalabas, nang makapasok ay nagulat ulit ako dahil ginto itong loob ng elevator.
"Saan tayo pupunta?" Hindi ko napigilang magtanong dahil sa pagkamangha.
"Sa meeting room."
Meeting room? Bakit? Wala akong naalalang business na kailangan kong isettle sa kanya kaya ano ang sinasabi niya?
Hindi kami nagtagal sa loob ng elevator, nang magbukas ang pinto ay sinampal ako ng kahirapan. Walang wala ang yaman ni papa sa laman lang ng kwartong ito.
Malaking espasyo ang nilabasan namin at mukhang library na maraming libro na nakalagay sa mga kumikinang na book shelfs...
At lahat ng mga nandito ay may kanya kanyang ginagawa, basa dito basa doon. Hindi ko alam kung anong meron.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang ako ay sumusunod lang, malamig. Kahit nakajacket na ako ay hindi ko parin makayanan ang lamig. Para akong nasa ibang bansa.
Mayroon kaming inakyatang hagdan na may pwedeng tahakin na direksyon sa parehong sulok... Lumiko siya doon sa kaliwa at may binuksan na kwarto.
Pagpasok ko ay para akong nakakita ng bahay na kumpleto sa gamit kahit kwarto lang ito. Nakakamangha din ng may panibago pang pinto sa kwartong ito at may lumabas na chef doon.
Paano nila na-afford ang private chef. How rich these people are. Pinaupo niya ako sa kainan at hinain na ng chef iyong dala niya.
Kapirasong steak na mauubos ko lang ng isang subo at mga palamuting dahon at kaunting sauce.
"And that'll be $30 ma'am." Napanganga ako sa sinabi ng chef.
Sa ganitong piraso ng ulam? Aabot ng mahigit isang libo?
Hindi ako marunong magmura pero iba ngayon dahil sa mga nakakasalamuha mo.
"On my card." Hindi siya nasindak sa narinig niyang presyo at kinindatan pa ang chef.
Binaling niya ang tingin sa akin at bahagyang tumawa dahil nakanganga ako sa sobrang pagkagulat.
"Eat para mahandle mo ang stress mamaya sa meeting."
"Anong meeting?"
Wala talaga akong matandaang rason kung bakit kailangan kong pumunta dito, nakita ko nalang ang sarili kong nakahiga sa labas at wala mang nagpaliwanag sa akin ng nangyayari.
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Misterio / SuspensoD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...