CHAPTER 20

2 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Sa ginagawa niya ay bigla akong nainis at nawalan ng gana sa pagkain, daig niya pa ang isang pulubi na di nakakain ng tatlong araw.

Kumuha ako ng pagkain na ibibigay ko kay Sid, nagsabay ang kamay namin ni Cyrus at nagtinginan kami ng masama.

Aktong ilalagay ko sa plato ni Sid pero inunahan niya ako at dinilatan ako.

"Bro yummy!" Maligalig na aniya habang puno ang bibig ng pagkain.

Napailing si Sid sa hangin at huminga ng malalim.

"Wala ka bang hiya?" Hindi ko alam kung iniinis niya ba si Cyrus o pinagt-tripan lang ito.

"Sayo wala." Ngumiti siya sa kanya bago nilagyan ang plato niya ng wasabi.

Nakita ito ni Sid pero hindi siya nagbigay ng anumang reaksyon at kinain niya ito. Walang bahid ng pamumula ang lumabas sa mukha ni Sid.

"How I wish there's a wasabi flavored ice cream here." He smirked, he's trying to mock Cyrus.

Tinaasan ni Cyrus ng kilay si Sid, kumuha din siya ng wasabi at nagdalawang isip pa bago ito kinain.

Wala pa man sa segundo ang lumipas pero namumula na si Cyrus at lumulunok ng malalim. Napaatras siya sa kinauupuan at lumuluha ang mata. Naramdaman niya siguro ang anghang hindi kagaya ni Sid.

Kukunin niya sana ang tubig ko pero mabilis ko itong kinuha at nilayo sa kanya, sinunod niya ang kay Sid pero ginaya niya ako.

Manigas ka dyan.

Sinasamaan niya ako ng tingin pero hindi ko ito pinapansin at wala akong takot sa isip bata.

Sa pagdadamot namin ay wala siyang ibang nagawa kundi maghasik ng lagim sa harap ng cashier para makainom ng tubig.

Nang ibalik ko ang tingin kay Sid ay tumatawa ito habang nakatingin kay Cyrus. Ginaya ko ang reaksyon niyo.

"Hindi ka ba natatakot sa kanya?" Tanong niya sa akin.

"Hindi nakakatakot ang isip bata." Sagot ko.

Tumawa siya sa sagot ko bago ulit magsalita ulit, "Iba ka."

"Ha?" What does he mean?

"Basta may kakaiba sayo, nararamdaman ko." Hindi niya nais ipasabi ang pinapahiwatig.

"Bwisit!" Nakabalik na si Cyrus sa kinauupuan at tinignan ako ng masama. "Mamaya ka sakin."

Sinuri niya ako gamit ang mga mata niya mula ulo hanggang bewang, nang mapatingin siya sa bag ko ay nilagay ko ito sa likod ko.

Nawala sa isip ko na hindi pala kasya sa bag ko ang cookies na dala ko, naabutan ko nalang na hawak na ito ni Cyrus at binubuksan sa lamesa.

"Thanks for the dessert." Ninamnam niya ang bawat kagat.

Biglang uminit ang ulo ko. Hindi 'yon para sa kanya pero kinakain niya ito na walang hiya. Hindi mo ba aawayin ang kaibigan mo?

Kung si Sid ay natitiis niya ang ganito, syempre ako susubukan ko. Ayaw ko na maging pangit ang imahe ko sa kanya.

I sighed. There's even a heart shaped cookie there!

"Heart?" Sinuri niya ito at pinakita kay Sid. "Tignan mo hindi pantay." At tumawa siya.

Nakikikain na nga lang, reklamador pa.

"Someone's in love." Cyrus smirked. "Para kay Lex 'to, tama?" He asked.

There we are again to Lex. Hindi na ito tumigil.

"Manahimik ka nalang, pwede ba?" Pagmamaktol ko dito.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now