HIRAETH'S POV
"Bingi ka ba?" Maayos na tanong ko sa kanya.
Hindi niya nanaman ako sinagot, nagkibit balikat lang siya at sa pagkain parin nakatuon ang pasensya niya.
Nakakainis na nakikita ko siya sa harapan ko, nasisira ang imagination ko. Kada naiisip ko siya bigla namang susulpot si Cyrus sa tapat ko.
Tumayo ako at aalis sana pero hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at pinigilan ako.
"Umupo ka." Saad niya sa magaspang na paraan dahilan para wala akong magawa kundi sumunod.
Lalo akong di nakagalaw sa tensyon na nararamdaman ko sa paligid nagsimula ng bumulong ang mga tao.
"Did he just touch her?"
"Rare."
"Are they together?"
"Sila ba?"
"Did he move on?"
"Is he okay now?"Iyan ang mga naririnig kong bulungan sa paligid pero siya ay dedma lang, he has that resting bitch face.
"Don't mind them."
"What's with the move on thing?"
"I-i s-said don't mind them!"
"Bakit ka sumisigaw?!"
"You're pissing me off."
Siya ang lumapit at umupo sa harap ko, nagtanong lang ako pero umiba ang awra ng mukha niya.
"Ikaw rin naman iniinis mo ako pero may nagagawa ba ako? Wala." Mahinang sabi ko pero narinig niya.
"You know what? Leave."
Napikon ako sa sinabi niya, hindi naman masama kung sasagot ako sa kanya kahit ngayon lang.
Ang random ng way ng pakikisama niya, hindi ko matolerate, ayos kami kapag gusto niya o baka hindi naman talaga kami ayos ganon lang sa paningin ko.
"Kahit hindi mo sabihin aalis talaga ako."
Hindi ko siya maintindihan siya yung kusang sumulpot sa harap ko tapos siya yung nagagalit, pinigilan pa kong umalis nung una tapos papaalisin rin ako pagkalipas ng 10 segundo.
Nothing special happened sa school kaya maaga kaming pinauwi pero kalabas ko palang ng building ay nandoon siya.
Ayaw kong harapin yung pagmumukha niya, kasi parang mas mapipikon ako lalo.
I did everything to hid my face but he still felt my presence.
"I know your scent." Hinawakan niya yung collar ng uniform ko tsaka ako hinila.
"Ano ba!"
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi. Gusto mo sumama?" Pagbibiro ko.
"Come with me."
"Come with me mo mukha mo." Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa collar ng uniform ko.
"Nakakalimot ka na ba?"
"Ano?"
"Nakalimutan mo na bang alalay kita?"
"Alam ko yan. Pero pagod ako ngayong araw." Nagsinungaling ako. Wala man nga kaming ginawa sa room maghapon.
"Fine then, i'll tell everyone you're my slave."
"H-huh? A-ano? No way."
"Follow my words then."
May naisip ako bigla, kapag nalaman ko ang kahinaan niya ay pwedeng itigil na niya itong ginagawa sa akin. Pero paano ko siya kikilitasin?
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Mystery / ThrillerD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...