CHAPTER 33

3 0 0
                                    

KYLE'S POV

Bumalik siya sa rooftop na walang wala sa sarili, hindi maayos ang buhok at halatang hindi napakinggan.

Ikaw ba naman pumuna ng ganoon sa nakaraan tapos may nalalaman pang pag-iwas pero sa huli ikaw rin naman pala ang maghahabol.

"Malas bossing, ako lang ang may alam sa katotohanang gusto mo si Hira." Nagkibit-balikat ako. "Ganon ba kahirap magpakatotoo."

Ikakamatay niya ba ang pagiging totoo kahit konti lang? Lagi siyang ganiyan, di marunong sabihin ang nararamdaman.

"Bakit di mo tigilan pagiging maarte mo at ipakita mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman bossing..."

Ayan nanaman siya sa pagtingin sa kawalan pero hindi niya ako maloloko, alam kong nakikinig siya dahil gumagalaw ang tenga niya.

"Bossing alam mo ba na kung sobra ka sa katahimikan at walang salita mas mataas ang tyansa na makita mo ang ayaw mong makita?" Ipipilit natin 'to. Papaaminin ko siya kay Hira ngayong gabi. "At wala silang alam na sa pag-uugali nila ay pinapakita nila kung gaano sila katanga?"

"Anong pinagsasabi mo..." Umiiwas siya ng tingin, halatang di aamin. Pero hindi pwede.

Inakto ko ang sinabi niya kay Hira noong nakaraang araw, "Don't be selfless, Hira." At ngumisi.

Napatingin siya sa aking nanlalaki ang mata at nakatikom ang bibig, kumukurap pa siya hindi naniwalang narinig ko lahat ng sinabi niya.

"I--" Hindi ko siya pinagpatuloy at inunahan.

"Hindi ka na immature, bossing!!" Palakpak ang tawa ko habang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Oo na.." Hinampas niya ang ulo sa table niya.

He admitted!!

"G-gusto ko siya, manahimik ka na. P-pwede ba?" He sounded awful.

Suki ng enemies to lovers trope, Just like before.

"Tell her what you feel tonight." Because I heard a rumor. "It's her birthday, make it kinda special."

Ah, right! I'll have bossing sing a song for her tomorrow.

-----------------------------

HIRAETH'S POV

Thursday night, nakadungaw lang ako sa bintana at inisip ang nangyari kanina. Kanina pa ako namumula, hindi man lang ako nakapagsalita kanina dahil hindi ko parin kaya.

Para siyang araw na nagpaparamdam ng kakaibang sigla sa akin, nagniningning sa madilim na liwanag ng buwan, nakaka-akit sa mga mata. Lagi ko siyang tinitignan at sa bawat pagkalma ko ay hindi ko na napapansin kung paano bumangon ang araw.

Napatalon ako sa kama ko nang may biglang mukha na lumitaw sa harap ko, kinabahan ako ng sobra dahil akala ko ay magnanakaw. Si Cyrus lang pala, nasa balcony at nakatingin sa akin.

Tinignan ko siya ng masama, hindi pa ba sapat ang kanina at nagawa niya pang manghimasok sa kwarto ko?

He's giving me signal to open the window para makapasok siya, ayoko nga. Manigas siya diyan.

"Bawal lalaki dito." Although Sid once entered here. "Susumbong kita." Pagbabanta ko sa kanya.

"Saglit lang." Pakikiusap niya, ayoko parin.

"Magkakasakit ka lang diyan dahil hindi kita pagbubuksan." Hinampas ko ng malakas ang bintana para paatrasin siya.

Nakalimutan kong masyado pala siyang malakas at alam na alam niya ako, "Hurting isn't your thing, maghihintay ako dito."

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now