CHAPTER 10

11 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Kinaltukan ni Sid ang dalawa. Napatingin sila sa baba sa ginawa niya.

"Pano mo nasabi?" Paglalaban ni Cyrus.

Maya-maya ay lumapit si Kyle sa amin at binigay sa akin ang pinahawak ko sa kaniya habang ang cellphone niya ay nasa tenga niya.

"Bossing gising na daw si Hugo." Hinihingal na tugon nito. "Ang bobo mo daw."

Bahagya akong natawa sa huling sinabi niya, madami ang nakitawa dahil mayroon akong narinig na mula sa likod.

"Nasaan yung nagsabing kasalanan nila Lex ang lahat?" Tumingin siya sa likod at kung saan saang espasyo ng lugar na'to pero ni isa sa amin ay walang nakakita sa anino niya.

"Wala siya noong nagsimula ang away." May isa sa likod na nagsalita.

Parang ngayon ay nagkakahinala na ako pero hindi ako makapagsalita. Nagkakaroon na ng ibig sabihin ang mga sinabi ni Kyle nung minsan.

Nagwala si Cyrus at pinaghahampas ang bawat madaanan para hanapin iyong witness noong isang araw.

"Bakit hindi ka nagsalita?"

"Hindi ako papakinggan."

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya, naalala ko nga pala na kung ano ang unang narinig niya ay iyon ang paniniwalaan niya.

"BOBO!" Sabay na sigaw ni Lex at Sid at nagtawanan.

"He was tricked by Mugen." Kyle softly chuckled. "HOTYT is on their way."

Help of the Young Threats, they specialized at investigating things. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maya-maya ay nandito na sila.

Kailangan ko nang umalis. Kailangan na ako ni Jade.

Naglakad na ako paalis nang hindi nagpapaalam sa kanila. Natama ko ang katawan ko kay Sid. Tinaasan niya ako ng kilay at di kalaunan ay binigyan ako ng ngiti.

"Aalis na ako." Hindi ito ang oras para lumandi. "Kailangan ako ng roommate ko."

Naka-alis na ako sa harap niya pero nahawakan niya ang kamay ko at napahinto ako.

"Why?" He asked.

"She's in a bad state."

"Hatid na kita."

Kung ihahatid niya ako paano itong mga lalaki dito na di pa bukas ang mata sa totoong ganap.

"Hindi na." Pagtatanggi ko at inalis ang kamay sa akin. "Handle them."

"No." Pagpipilit ni Sid. "Nandyan na sila."

Tinuro niya ang daan na tinahak nila para guluhin itong away at may panibagong mga sasakyan ang papunta.

It's them, mas nangingibabaw ang ilaw habang palapit sila pero alam kong si Harvey iyong nasa harap.

"Let's go." He grabbed my hand at pumunta doon sa likod ng truck na sinasakyan niya kanina at nagulat ako ng makita ko ang big bike niya doon.

"Lagi akong handa." Sinabi niya nang napanganga ako.

Siya mag-isa ay binaba ang motor niya ng walang kahirap-hirap. Dahil sa ingay ng paligid ay hindi namalayan ng mga tao na pinaandar ni Sid ang motor niya.

May kinuha siyang extrang helmet. Inalis niya ang scarf na sinuot niya sa akin.

"Hawakan mo muna." Nilagay niya sa balikat ko bago ilagay sa ulo ko ang helmet.

Kinikilig ako? Hindi ko alam. Basta napapangiti ako sa ginagawa niya pero pinipigilan ko lang.

"Sakay na." Pag-uutos niya sa akin habang nakatingin sa likod at inaalalayan ako.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now