KYLE'S POV
Nagsimulang mag-init ang ulo ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Hira. Hindi ko yata kayang intindihin kung ano man ang pagiging paliwanag niya mamaya.
Alam niya sa sarili niya na ayaw ng mga tao dito na binabanggit ang nakaraan ni Cyrus ganoon rin ako at ang grupo.
Kahit sabihan ko man ngayon si Bossing na lumayo at magbulag-bulagan sa sinasabi ni Hira ay hindi niya gagawin dahil siya ang bida sa bibig ni Hira.
Sumapit ang Lunes pinasabi ni Cyrus sa grupo na huwag nang guluhin o magtanong kay Hira dahil sa nangyari. Malungkot ulit ang mukha niya at laging nakatingin sa kawalan.
Nagtanong ang lahat kung bakit at doon kinwento ko ang buong pangyayari. Nagalit sila at nangakong susundin nila ang pinaalam ni Bossing. Pinarating ko sa kanya ang mga sinabi ng grupo.
Alam kong makikita ko siya dito, Isang linggo at 4 na araw na siyang hindi pumapasok sa school at tambak ang desk niya ng mga papeles galing sa dean.
Nandito siya sa lugar kung saan namin nilagay ang labi ni Light. Nakasandal ang ulo niya sa puntod nito.
Nandito ako sa malayo at pinagmamasdaan siyang nanahimik lang sa tabi niya. Pinaglalaruan niya ang mga daliri.
Nakita ko siyang pinupunasan ang mukha gamit ang daliri. Umiiyak si Bossing at ang tanging ginagawa niya para di magpatuloy sa pag-iyak ay itinutuon sa ibang bagay ang pansin katulad ng paglaro sa kaniyang daliri.
Ang nakaraan ng isang tao na pinaghirapan ng lahat para lang makalimutan, sa isang iglap nandyan ulit. Nandyan lahat.
Lumapit ako sa puno malapit sa puntod at nagtago doon. Maya-maya ay narinig ko na siyang nagsalita.
"Akala ko nakapagpalipas na ako sa sakit." Saad niya habang nakayakap sa puntod ng babaeng minsan niyang minahal na namayapa. "I still can't look back and smile."
"I was determined to save you pero bakit mo piniling sumuko agad, Light." Ang unang beses na narinig kong banggitin niya ulit ang pangalan niya. "Happy Anniversary." He smiled painfully while kissing her grave.
Fvck. Tinignan ko ang phone ko at napagtanto na anniversary nila ngayon. Masyadong masakit ang binibinigay ng Diyos kay Cyrus.
Maraming beses kong sinubukang umalis at hindi magpakita sa kaniya pero pinipili ko paring bumalik. Sapagkat, hinahangaan ko ang pagiging matatag niya sa lahat ng nangyari sa kanya.
Nagdusa siya, naisipang magpakamatay, nakaramdam ng depression, at muntikang nabaliw sa kaganapan pero pinili niyang kayanin, dahil sa amin.
Kung hindi namin siya pinuntahan nang gabing iyon ay wala na siya ngayon, bago niya naisipang agawin ang sariling buhay ay binuhusan namin siya ng malamig na tubig upang mahimasmasan at isa-isa siyang kinausap na may natitira pa sa kanya.
Grief is really just love. Lahat ng pagmamahal na gusto mong mabigay, pero hindi na maaari. All that unspent love gathers up in the corners of your eyes, the lump in your throat, and in that hollow part of your chest. Grief is just love with no place to go.
Nag vibrate ang cellphone ko kaya bumalik na ako sa kotse at sinisilayan si Cyrus dito. Tawag galing kay Jade.
Napapadalas ang pangangailangan niya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil hindi niya kayang lumabas mag-isa para bumili ng gamot para sa sakit niya.
Kaya pumupunta ako sa address na binigay niya kapag nangangailangan siya ng tulong, iyong kinakasama niya ay inasikaso daw ang business at lumipad paibang bansa.
Gusto kong balitaan si Hira sa kondisyon niya pero dahil nga hindi ko siya makausap dahil sa ginawa niya ay hindi ko magawa.
"Anong gamot?" Tanong ko agad na hindi nagpapaligoy.
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Mystery / ThrillerD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...