CHAPTER 21

7 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Nang makatingin ako kay Lex ay umuusok na ang kanyang ilong at lumapit kay Cyrus para abangan ito ng suntok.

Pero hindi ito tumama sa mukha niya dahil mabilis siyang nakailag, walang suot na pang itaas si Cyrus kaya naman ang ginawa ni Lex ay kinurot ang kaniyang dibdib.

Doon nagsimulang umungol si Cyrus sa sakit habang nasa di kalayuan niya si Kyle na kakadating lang walang reaksyon ang mukha at nakatingin lang sa kasalukuyang ganap kagaya ni Sid.

"Someone's jealous." Ani ni Cyrus nang matanggal ang dibdib sa pagkakahawak ni Lex. 

"Bakit ka niya dinala dito?" Mahinahon na tanong sakin ni Lex bago ako hinila palayo kay Cyrus.

I shookt my head because even I don't know why I am here. Hindi ko alam kung anong klaseng pagiisip ang meron si Cyrus
na papatirahin ako na walang pahintulot ko tapos ay di pa ako binibigyan ng maayos na kwarto.

"Eh gag* ka pala e!" Galit na sigaw niya kay Cyrus.

Lumapit na sa kanila si Sid at pumagitna sa kanila, "Tigil!" Saad niya sa dalawa. "Ako ang nagsabi na dito muna si Hira."

Kumunot bigla ang noo ni Lex at kay Sid naman tumingin ng pagalit.

"Pero di ko sinabi sa'yo na sa garahe mo siya papatulugin at di mo pa nilinis." Itinuon ni Lex ang tingin kay Sid, ang tingin naman ni Sid ay kay Cyrus.

"Wala nang space ang natitira para sa kanya." Pagsagot ni Cyrus na lalo kong kinainis.

Walang space?? Sa laki ng bahay niya tapos ay may underground something pa, tinatawag niya itong wala ng space?

Yung sofa, ano 'yon? Bula? Yung sa ilalim, ano yon damo?

"WALANG SPACE?!" Nagulat ako dahil tatlo kaming nasigaw at gulat na sumagot kay Cyrus.

He closed his lips and nodded. "Madumi sofa, makalat sa baba. Nakakahiya." Kinamot niya ang ulo.

Pero sa pagdala niya sa akin sa puno ng alikabok na garahe ay hindi siya nahiya? My jaw dropped.

"May asthma siya." Biglang pagseseryoso ni Lex. Nag-iba ang ihip ng hangin. Si Cyrus naman ngayon ang nakanganga. "Paano kung hindi niya ako tinawagan at napano siya doon? May magagawa ka ba?"

Humarang ako sa harap ni Lex para pigilan siya sa pagd-drama. Dapat ay hindi niya na iyon sinabi, ayan tuloy lalo lang mapapahaba ang usapan.

"Ang sabi ko tulungan mo lang ako maglinis di ko sinabi ikuda mo asthma ko." Napasampal ako sa mukha habang bumubulong sa kanya.

Lalo lang akong nakatanggap ng galit na tingin sa kanya, "Iniisip mo ba pinagsasabi mo?"

Oo? Hindi ko naman sasabihin iyon kung hindi ako nagiisip.

"I have a private doctor." Tanging nasagot ni Cyrus. "I can call her right away."

"Kahit na!" Sumigaw siya ulit. "Sa bahay nga nila ay hindi siya mapagwalis ng tatay niya tapos ganyan? Hindi ka marunong umunawa kaya ka iniwan."

"Wala siya sa bahay nila at hindi ako tatay niya!" Sumabay sa galit niya si Cyrus. May kakaiba akong nararamdaman. "Nananahimik yung tao, Lexus. Huwag na huwag mong binabalikan ang nananahimik dahil sa galit mo na yan sakin."

Sa puntong ito ay hindi na ako ang pinaguusapan nila dahil nasa mas malalim na bagay na sila at hindi ko kinakaya ang palitan nila ng salita.

Sa boses ni Cyrus ngayon ay walang angas, parang nakikiusap na hindi ko maintindihan. What's with Lex's words that made Cyrus uncool.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now