CHAPTER 34

5 0 0
                                    

KYLE'S POV

Magkasama nanaman kami sa iisang lugar. Kinailangan nanaman ako ni Jade. Naga-ayos lang ako para sa event mamaya nang may biglang tumawag sa phone ko.

Sabi niya kailangan niya ako, hindi naman daw aabutin ng buong araw dahil 1-2 hours lang niya ako kailangan.

Nakadamit siya ng sobrang simple, makapal na sweater at pajama sa mainit na panahon. Pero naiintindihan ko, ayaw niyang mapuna ng mga tao ang katawan niya.

Sa labas ulit. Hindi ko na mabilang ang dami ng beses na lumabas ako basta siya. Hindi ko siya kayang matanggihan.

Hanggang ngayon wala parin akong nahahanap na donor para sa kaniya, merong interesado pero may mas malaking tao na kailangan din iyon kaya wala akong laban.

Hanggang mahaba pa ang oras hindi ako magsasawa, hindi pa huli ang lahat dahil makakaligtas pa siya at magkakaroon ng pamilyang pinapangarap niya.

Sa kalagitnaan ng araw ay dinala niya ako dito sa tabing dagat. Kahit nabibilad siya sa araw ay hindi niya ito pinansin.

Grabe. Ngumiti siya. May kakaiba sa ngiti niya ngayong araw na hindi ko normal na nakikita. Right now, the way she smiles is genuine. Napukaw niya ang dibdib ko.

Nariyan parin ang mga buhok niya, nalalagas pero hindi naman malala. Pero di ko parin mapigilan ang hindi mag-alala. Nakakatakot siya. Natatakot ako sa nararamdaman ko sa kaniya.

Naalala ko ang sinabi ko kay Hira na wala na akong hahanapin pang iba dahil nandoon na ang lahat. Hindi ko alam na magkakamali pala ako dahil hindi ko siya nakikitang ngumiti nang ganito sa loob. Ang mga ngiti niya ay kayang bihagin ang lahat. Sa oras na ito napagtanto ko ang nararamdaman, nahulog na talaga ako.

"Akala ko naman may nangyari na sa'yo." Nagsimula akong magsalita at tinabihan siya.

Ginaya ko ang pwesto niya na nakapaligid ang kamay sa tuhod. Ang alon ay hindi masyadong malakas, kakaiba ang katahimikan dito.

"May ginagawa ka ba? Nanggulo ba ako?" Tumingin siya sa akin na naga-alala.

"Hindi..." Binigyan ko siya ng maikling ngiti. "Nakita mo na bang tumanggi ako sa'yo?"

Marahan siyang tumawa at tinamaan ako sa braso, "Sorry parin, may ganap sa school ngayon diba pero tinawagan parin kita."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na naexpelled ako dahil baka magalit siya sa akin at baka hindi na niya gustuhing makita ako ulit.

Kalaunan ay humiga siya sa braso ko, umayos ako para guminhawa ang pakiramdam niya at hindi agad umalis.

"After this, huwag na tayong mag-usap ulit." Binigla niya, hindi ko naklaro ang ipinaparating niya.

Nalito ako sa sinabi niya pero hindi ko siya tinignan at hinayaan na ganito ang posisyon namin hanggang sa mapagdesisyunan niyang umupo ulit.

"Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo akong hanapan ng donor kung mismong boyfriend ko ay ayaw." Bahagya siyang bumahing, simbolo na malapit na siyang maiyak. "Alam mo ba na kahit magamot ako ay hindi parin sigurado na mabubuhay ako ng matagal."

Lahat ng bagay na alam niya na mangyayari sa kanya ay inalam ko din, alam kong di parin siya mabubuhay ng matagal kahit magamot siya. Pero, tama bang pumunta agad sa dulo kung mayroon pang nandyan at gusto siyang tulungan?

Umaakto siya na parang hindi na siya gusto ng kinakasama sa mundo. Hindi ko alam ang ganap sa pagitan nilang dalawa dahil hindi ko siya nakikita. Nang marinig ko ang mga sinabi niya parang may mali.

"Bakit ka nagsasalita na parang wala nang may gusto sa'yo dito sa mundo." Ang bigat sa dibdib sabihin ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Sabihin man ng iba na salita lang iyon at hindi mabigat sa dibdib, pero kung sasabihin mo iyon sa taong sumusuko nang mabuhay at handa nang tanggapin na ganoon nalang ay masakit, dahil kaya mo silang maramdaman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now