CHAPTER 18

2 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Akala ko sa pagbalik ko ay wala ng susunod na gulo na mangyayari, pero hindi. Nakakatakot na gumalaw dahil kahit saan ay pwedeng mangyari sa akin.

A slave, that's what I am for him. Noong una ay akala ko na puro utos lang ang papagawa niya sa akin. At iyong pagdala niya sa akin kay Sha.

I left a letter for her noting the thing I've been trying to say to her. That Lex and I were only cousins and nothing else.

Ngayon ay kung ano ano na ang pinaggagawa niya sa akin. Nang makalabas ako sa rooftop ay natapunan ng timba na may tubig ang ulo ko.

Nainis ako pero hindi ko na siya pinansin pa, kung gusto niya ng laro wala akong oras para sa ganon. Kailangan kong kausapin ang dean na aalis na ako dito.

Wala akong damit na pang palit dahil hindi ko mabuksan ang locker dahil sa kagagawan nanaman ni Cyrus. I'm pissed!

Pumasok ako sa classroom na basa at may tatlong babaeng estudyante sa harap akong nakita.

Iyong isa ay nakasalamin, ang pangalawa ay may palamuti sa kanyang mukha, at iyong pangatlo ay parang tomboy na nakataas ang isang kilay.

"Damn."
"Anong ginagawa nila dito?"
"The queen bee is mad."

Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila, ako ang tinitignan nila. Hindi ko sila pinansin at bumalik na sa upuan ko.

Padabog na kinalampag ng isa ang teachers desk at galit silang tatlo na tumingin sa akin.

Anong ginawa ko sa kanila?

Nagsimula silang lumapit at iyong mga kaklase ko na nadadaanan nila ay tumatabi, parang takot na masagi man lang ang uniform nila.

"Huwag mo ngang nilalapitan si Kyle!" Pasigaw at maarteng sabi nung babaeng may palamuti sa mukha.

"Huwag na huwag mong gugustuhin si Cyrus o si Kyle." Mahinhin at diretso niyang saad. Biglang tumayo ang mga balahibo sa braso ko.

"You should not touch them because they're mine." Nag english iyong tomboy at naliwanagan ako sa kung ano ang pakay nila.

Are they obsessed with the two? Well I just run into trouble with them what's with their threats?

But what's wrong if I'm with them? Hindi naman ako gumagawa ng kababalaghan at isa pa sila mismo ang nagsasabing sundan ko sila.

Sumusunod lang ako dahil sa markang nasa kamay ko. Hindi ko naman dapat siya susundin kung hindi ako interesadong malaman ang kahinaan niya.

"E-excuse me?" Hinarap ko sila dahil gusto ko silang linawin. "Hindi ko nilalandi ang sino man sa kanilang dalawa."

Ngumisi silang sabay sabay, iyong babaeng may palamuti sa mukha ay kinuha ang cellphone niya at may pinakitang picture sa akin.

Ang litrato ay noong araw na nabasa ako ng ulan at nakapatong sa balikat ko ang jacket ni Cyrus at bahagya itong nakangiti.

Hindi, sa picture lang mukhang maayos ang nangyari. Hindi kami okay ni Cyrus. Pagkatapos nito ay agad siyang umalis at wala ng sumunod na nangyari.

Mayroon pa siyang pinakitang litrato. Iyon ay si Kyle naman ang kasama ko noong araw na hinatid niya ako dito sa classroom at naka akbay ang kamay niya sa akin.

Walang akbayang naganap noong araw na 'yon. May glitch ang kamay niya iba ang ginawa niya at nagmukhang naka akbay lang siya.

So many misunderstanding, shit!

The class started gossiping about me, halo halo ang bulong may naiintindihan ako at hindi.

"Did he moved on?"
"Sa lahat ng babae bakit yan pa ang una ni Kyle?"

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now