HIRAETH'S POV
Words from Sha last night I wasn't able to understand a single at all...when everything outside got quite, suspicion is all over her face.
A person who cares will ask about his condition first but the case is different from Sha.
Mabilis siyang lumapit kay Harvey at hinila ang kwelyo ng damit, "You never submitted an info about that one member. 3 years na."
Pinagtakahan ni Harvey ang galaw ni Sha. Maya maya ay dahan dahan niyang inalis ang kamay ni Sha na nakahawak sa kwelyo nito, "Dahil nga maski ako ay walang alam sa kanya."
Nadatnan namin ang paligid na maraming lalaki ang nakahiga at ang iba ay naghahabol ng hininga, nanginginig akong lumapit kila Cyrus dahil sa naiisip ko.
Are they dead?
"Hindi sila patay." Napatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.
Si Sid.
"Saw you trembling." Aniya habang pinupunas ang labi na may sugat.
I barely recognized him, his hair color and style changed. Iyong mahaba niyang buhok ay sakto nalang ngayon at hindi pantay ang pagkaka-bangs, namumuti din ang buhok niya.
"You dyed?" Because the white color can also be because of stress.
"Hindi." Marahan siyang napatawa. "Sumpa."
Lumapit siya kila Sha pagkatapos sabihin iyon, sumpa? He left me thinking about what he said.
Mag-isang nakaupo si Cyrus sa gilid habang nakatipon ang lahat, mabilis ang paghabol niya ng hangin at madumi ang puti niyang t-shirt.
Lumapit ako sa kanya, sa sobrang pagpapatahan niya sa sarili ay hindi niya napansin na nasa harapan niya ako.
Inilabas ko ang panyo sa bulsa ko at umupo sa harap niya, umangat ang tingin niya sakin hanggang sa mapunta ang kaniyang mata sa panyo.
Hindi ba halata na sign ito na tinutulungan ko siya? Bakit tinataasan niya pa ako ng kilay, hindi ba niya alam ang act of kindness?
Dahil tinignan niya lang ang kamay kong may hawak na panyo ay kusa ko nang hinawakan ang mga kamay niyang nakaharang sa mukha niya at pinunasan ang dugong naka-kalat dito.
Lalong tumaas ang kilay niya, sa paulit ulit na beses niyang pinagtaasan ako ng kilay ay hindi na ako natatakot. Parang normal nalang na bigyan niya ako ng ganoong reaksyon kada nilalapitan ko siya.
Takot ako sa dugo kaya nanginginig ako habang pinupunasan ang mukha niya, nakatingin siya akin at nararamdaman niya ata ako.
Hinawakan niya bigla ang kamay kong pinupunasan ang mukha niya, nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang paghawak kaya mabilis kong inalis ang kamay ko at gumilid ng tingin.
Kung saan saan ako tumitingin para lang mawala sa isip ko ang nangyari. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko nanaman maintindihan ang nararamdaman ko.
"Hindi mo na dapat ginawa kung takot ka." He whispered weakly. "Dapat natulog ka nalang, hindi maganda sa mata ang paligid."
"A-ayaw mo k-kasi tanggapin." Nauutal na tugon ko.
"I was about to." He reasoned. "Ouch."
Napalingon ako sa kanya sa biglaan niyang pagdaing, nakalapag na ang panyo sa sahig at nakahawak siya sa tagiliran.
Lumingon ako doon at mas lalong nanginig nang makita na patuloy sa pag-agos ang dugo niya sa tagiliran.
"L-lex!" Bigla akong dinalaw ng pagkapraning ko. "S-sha!" I didn't noticed this earlier. "S-sid!" All I can do is scream. Napapaatras ako sa mabilis na paglabas ng dugo niya. "Harvey!"
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Mystery / ThrillerD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...