CHAPTER 14

3 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

All's well now. Maybe not?

"Again."

Ganoon pala talaga kapag unang beses, masakit sa katawan. Ngayon ang pangalawang araw ng defense training at tatlong araw nalang bago ang pag-alis.

Inaatake niya ako gamit ang kamao niya at nakakaiwas naman ako ng tatlong beses pero sa pang-apat ay hindi na.

"Again." Paguulit nito.

Kanina ay nagluksong baka kami hanggang sa umayos ang pagtalon ko dahil magagamit daw 'yon para di ako maiwanan.

At ganon ulit bukas, sa natitirang dalawang araw ay tuturuan naman ako kung paano lumaban, I'm barely surviving in this training.

Mabilis lang akong kumakain dahil kung babagalan ko ay kinabukasan makikita ko ang sarili ko na sa kainan natutulog.

Masyadong nakakapagod ang lahat ng pinapagawa sa akin at hindi ko na ulit nakita si Sha simula nung araw na 'yon.

Tatakas lang naman pero bakit magiging ganto kahirap ang natitirang araw bago ang plano ko.

"Be aggressive!" Sigaw niya ngayon at nabuhay ang sistema ko.

Inabangan niya ako ng unang suntok na naiwasan ko, katapos ay muntikan hinawakan niya ang kamay ko pero tinamaan ko ito. Ginawa niya iyon ulit sa kabila at nailag ko sa pangalawang pagkakataon, sa kabilang kamay naman ang sinubukan niyang hawakan. Umatras ako at hinawakan ang kamay na ginamit niya para hawakan ako.

"Good." He complimented me. "Good."

Nagpatuloy iyon hanggang sa mawala ako sa huwisyo at natagpuan ko ang sarili kong ako ang umaatake at siya ang dumedepensa.

I swing my head due to realization but his expression found it enjoying.

"Don't stop."

Nagpatuloy ako sa pag-atake sa kanya kahit hindi ko natatamaan ang mukha niya dahil sa depensa. Continues punch approached him until there is no more space to move backwards.

Nasandal siya sa pader, at hindi parin ako tumigil. Ngayon ay nararamdaman ko na ang malalalim niyang paghinga kaya hindi parin ako tumigil.

I did it! Naalis ko ang kamay niyang nakalagay sa mukha para idepensa ang sarili.

Kinagat ko ang labi ko at pinagdugtong ang kamao ko ng ilang segundo bago matira ang mukha niya. Nilakasan ko ang suntok ko para memorable.

Natumba siya. Out of breath at nakatingin sa akin na nakangiti at sayang saya.

"Hindi ako handa." Mas inuna niya pa ang magjoke. "You're improving."

Nginitian ko siya at umupo din sa harap niya, naghabol din ako ng hininga hanggang sa umayos ako.

"The last punch kinda hurt." He blabbed. "Magkaka pula ata bukas ang mukha ko."

"For memory purposes, coach."

Now come to think of it, the past days I almost told him about my whole life, even how mommy died and how daddy took a good care me since then.

After 3 days, hindi na niya ako it-training at hindi ko na siya makaka-kwentuhan. At first he's just the type who only listen to people's story.

Pero hindi siya mahihiyang sumagot kapag may tanong ka. At kapag naramdaman niyang pure ang intention mo sa kanya ay hindi siya mahihiyang ikwento ang buhay niya.

Ganon ang nangyari sa amin, I almost gave up being close to him dahil masyado siyang strict pero sa huling pagkakataon na sinubukan ko ay bumigay na siya.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now