CHAPTER 13

5 0 0
                                    

HIRAETH'S POV

Hindi man lang sila naawa nang makita akong umiiyak at lumapit sa akin ang secretary niya at sinabing magsimula na daw ako.

May pumasok na maskuladong lalaki sa pinaglabasan ni Sha para sundan si Lex at nagulat ako. Napatago ako ng di ko namamalayan sa likod niya.

I call her 'secretary' because I don't know her name, I should ask her later for future help need purposes.

Today, I saw the three... Clearly means that Sha, Lex and Harvey are close friends while on the side it's always Cyrus and Sid, sometimes Lex joins them too.

"He'll train you, alis ka sa likod ko may meeting pa ako." Pinilit niyang alisin ang kamay kong naka-kapit sa braso niya.

Lumapit siya sa akin at sinuri ang katawan ko habang nakahawak sa baba. May binubuo siyang buod sa utak.

"Hindi ko masisigurado na matututo siya sa loob ng isang linggo."

He gave me a dissapointed look.

"Then be hard to her coach."

"Her body is so thin, she's more likely to be a bait."

Nasaktan ako sa sinabi niya, bait? Ako? Dahil ganito ang katawan ko? Na payat ako?

"So what if I'm thin?" I raised a brow.

"Thin and dumb." Secretary whispered while laughing.

I'm embarrassed and at the same time felt motivated to do this, babaguhin ko ang sinabi mo.

Nag-usap pa sila saglit at may inabot na papel sa kanya, he looked thoroughly at the papers.

"Okay." I saw how his mouth moved.

Umalis na ang secretary kaya lumapit na siya sa akin. I need to obey every word from this man to prove to her my worth!

"Plank, 3 minutes."

Plank? Hindi pa ako nag work-out at exempted ako sa mga P.E activities kasi payat ako at baka matumba lang ako.

"Ano po yung plank?"

"Hindi mo alam ang plank?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiling ako at napasampal siya sa mukha, bakit? Nagtanong lang naman ako.

"You do plank like this." Inutusan niya akong tignan ang gagawin niya. "Gayahin mo ako."

"Lay on your back with your elbows under your shoulders." He instruct and I followed. "Your hands flat on the floor, and your core engaged."

It was all good not until he said the next thing to do.

"Slowly raise yourself up."

Akala ko ay madali lang na walang mangyayari pero biglang nanginginig ang katawan ko at pinipigilan ko ang sarili kong makahinga.

Natumba ako at nagtamo iyon ng malakas na kalabog sa damo kaya dali dali niya akong tinulungan.

"Ulit."

Why instead of asking if i'm okay ang sinabi niya ay ulitin ko?

"Hindi mo po ba tatanungin kung okay lang ako?"

"Why would I? They told me to increase your stamina and help you fight. Kung ayaw mong mamatay wag ka magsayang ng oras."

Threat.

"Go."

Sa sobrang takot ay sinimulan ko ulit ang unang pinapagawa niya, at pinilit kong tiisin na nakaganon hanggang sa kaya ko.

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now