HIRAETH'S POV
Now I know why this place seems familiar to me because I once saw this place featured on the news.
Sa loob ng abandonadong building na ito ay nakapwesto din ang paaralan kung saan natututo ang mga bata.
At ang mga tagaturo sa mga bata ay mga myembro sa grupo ni Sid. Kahit nasa 10 lang ang bilang ng mga bata ay bakas ang saya nila sa pagtuturo.
I can't help but smile seeing how they can smile despite of how dangerous this place is.
Habang nasa daan pabalik sa pinagtutulugan ko ay bigla kong nabangga ang isang babaeng nasa edad ko rin at natumba ito.
Umupo ako at tinulungan siya, humawak naman siya sa kamay ko at pinagpag ang sarili.
"I'm sorry." I said giving her the handkerchief I have.
Hindi niya tinanggap ang panyo ko at naglabas lang ng maikling ngiti. "Ayos lang miss."
Babae siya pero iba lang ang boses niya, boses siyang lalaki pero sa haba ng buhok niya ay halata namang babae siya.
Ngayong araw ay tumulong ako ng tumulong sa kaya kong gawin para hindi maging pabigat sa kanila.
Nalalaman ko na ang pagkakaiba sa buhay ng mga taong nasa paligid ko, Si Cyrus na lunod parin sa nakaraan, Si Sid na araw-araw gumagawa ng paraan para makayanan ang buhay dito, Si Lex he have the life just like mine, Si Sha na sagana sa yaman hindi naman masaya, at si Harvey na kung saan saan lumulugar.
Mayroong ibang nalulunod sa pera hindi naman masaya at iyong mga masaya naman ay walang kaya. The difference between lives is making every situations hurts.
"I need you somewhere." Sinalubong ako ni Sid at nanghihingalo ito.
Nagtaka ako sa mga galaw niya, "Saan?"
Dumiretso siya palabas kaya sinundan ko siya, nakasakay na siya sa motor niya at hinihintay nalang ako.
Hindi niya ako sinagot.
Dinala niya ako dito sa parang bukid na lugar at may mga myembro ni Sid ang nakapalibot.
Lumapit ako dahil may nakita akong parang kakaiba, naghuhukay sila ng malalim na pa-parisukat ang hugis.
Pool?
"May plano kami, this won't exhaust you..alam ko naman may hika ka."
Bahagya akong napangiti sa pag-alala niya sa akin, hindi naman na niya kailangan pansinin ang maliit na bagay.
"3 days from now, iyong mga batang naga-aral papasayahin namin sila. Nakapagtabi naman ako ng sapat na pera. I just want you to help us." Pagpapaliwanag niya. "You will help Jillian prepare the foods for the kids and you will also help her bring them here, ayos lang ba?"
I just saw the kids earlier, hindi naman sila mukhang malungkot at tumatawa pa sila. Hobby niya ba ang ganito na magpasaya?
No wonder why he doesn't have time to talk to me. I now understand why.
Hindi naman mukhang mapapagod ako, I'll do it.
I agreed and helped everyone before the day we will make the children happy.
Iyong babaeng natamaan ko noong minsan ay siya pala ang Jillian na tinutukoy ni Sid. Mukha naman siyang mabait at morena ang kutis.
Sabay kaming bumili sa convenience store ng mga sangkap sa kakainin ng mga bata. Ang sabi ni Sid ay mayroon siyang pera sa mga bata pero nagkulang ang dala naming pera dito sa cashier.
The budget can only make the children full, how about his members? Thank god I have money right now that I can afford food for everyone.
Kumuha ako ng madami pang tinapay, chichirya at mga inumin para sa lahat. The people who worked hard should also be happy.
YOU ARE READING
In The Arms Of D.E.A.T.H
Misterio / SuspensoD.E.A.T.H District is where crimes are widespread. No fun, fights everywhere and pure misery. Mary Hiraeth Acana was expelled from her school causing her life to change, met the bad boy Kian Cyrus Perez captain of Deadeye Debel Hoodlum Deadeye Debel...