CHAPTER 9

6 1 0
                                    

HIRAETH'S POV

Nagsimula nanaman ang panibagong araw sa school at kasalukuyan akong nakatulala sa bintana habang nasa kawalan ang utak.

Sabi ni Kyle kahapon ay hihintayin niya ako ng uwian para panoorin ang away na magaganap sa pagitan ng grupo ni Cyrus at Lex.

Masyadong marami ang myembro ni Lex at paniguradong siksikan doon dahil napahamak na ako noong minsan doon at doon sa lugar na yon ako niligtas ni Sid.

Come to think of it, nandoon kaya si Sid?

Kahit nandoon siya ay hindi parin ako pupunta dahil kailangan kong maging concern sa sarili ko baka mamaya ay may biglang humila sa akin.

Natapos na ang klase sa buong hapon at gusto kong maiyak dahil sa sobrang tingin ko sa kawalan ay 0 ang score ko sa calculus.

Kuba at nakahiga ang ulo ko hanggang sa makalabas sa room nabuhay ang sistema ko nang bumungad sa akin si Kyle at napatingin ang lahat ng napalakas ang boses ko dahil sa pagkagulat.

"Come on." Hindi niya pinuna ang biglaang pagsigaw ko pero ang mga kaklase ko at iba pang palabas sa room ang mayroong sinabi.

"Why is Kyle here?"
"Woah."
"She's winning these days."

Mga narinig kong sinabi nila pero hindi ko nalang pinansin, nang makalabas sa gate ng campus ay huminto ako na ginawa niya rin.

"Hindi ako manonood." Maayos na sinabi ko sa kanya. "Pinag-isipan ko yan buong hapon, na 0 pa ako sa calculus."

Bahagya siyang tumawa. "Oh? Sorry." Huminto siya saglit bago magpatuloy. "But, I didn't give you any options."

I though he is a friend? Why he acted so different now.

"W-what?"

"Ang sinabi ko kahapon ay you'll witness everything di ko sinabing it's up to you wether you'll come or not." Ngayon ay tumatawa na siyang nakakaloko.

"Pero, ayaw ko talaga. Natatakot ako para sa sarili ko." Pagpipilit ko.

"I'll use force then." He grabbed my shoulder. "Kahit ako ay ayaw kong  pumunta ka doon pero si Bossing ang nag-utos sa akin. Lahat ng gusto niya ay ginagawa namin. Kaya please, kung ayaw mo nang pwersahan makisama ka nalang."

The lines of laugh in his face faded, sincerity started showing up. Pero...

"I'm sorry.." Naaawa ako pero hindi talaga pwede. Umiling ako hanggang sa mawala ang higpit ng paghawak niya sa braso ko.

Tinalikuran niya ako ng ilang segundo at nang pagkaharap niya ay sinabi niyang...

"Sa iyo lang ako tatabi sa buong oras ng away. Hindi kita papabayaan." Ngayon naman ay ang kamay ko ang hinawakan niya.

Pinipilit niya akong gustuhin ang bagay na napagdesisyunan ko na, na di ko na pagdududahan.

"Huwag mong ipilit ang ayaw." A voice from my back said. Si Carl ang boses na 'yon.

"Si Bossing ang may kailangan sa kanya." Pagsagot ni Kyle kay Carl.

Ngayon ay napapagitnaan nila akong dalawa at nagpapalitan sila ng mga salita.

"Inutusan ako ni Bossing, ang sabi niya kung ayaw huwag mo na daw pilitin." Nakapamulsa siya. "Hindi daw siya gold kaya bakit tayo magw-waste of time sa kanya."

"Okay." Ginaya ni Kyle si Carl na nakapamulsa bago umalis sa harap ko.

Ganon lang? I mean.... Ano bang ine-expect ko? nevermind..

In The Arms Of D.E.A.T.HWhere stories live. Discover now