Hindi magkandaugaga si Apple Pie habang paikot-ikot sa loob ng boarding house niya. Pilit niyang hinahanap ang pulbos na tanda niyang naipatong niya kagabi sa may harapan ng salamin niya ngunit wala na ito roon.
"Putakteng lizard naman 'yan oh! Kung kailan ko need na need ng pampaganda saka naman mawawala!" frustrated niyang ika sabay tingin sa ibaba ng kama niya at baka nahulog iyon doon. Agad na lumiwanag ang kaniyang mukha ng makita ang lecheng pulbos at inabot iyon.
Patakbo na siyang naglakad papunta sa salamin na hindi naman ganuon kalayuan dahil maliit lang naman ang kwarto niya. She immediately shook the baby powder and slapped its contents on her face. Hindi naman siya talaga mahilig maglagay ng kahit na ano sa mukha niya, kahit nga ang pulbos na hawak-hawak niya ay pilit lamang niyang binili dahil required silang presentable tingnan kapag naka-course uniform sila at may lab test. Kung hindi naman siya niyaya ni Yohan na mag-dinner eh 'di sana hindi siya parang baliw sa kakaayos sa sarili.
Talagang nagulat siya sa inaaksyon ng binata sa kaniya kanina sa soccer practice nito. He would constantly go back to her and check if she was okay. Nang mapansin naman nito na naubos niya ang isang buong pizza ay nagtanong ito kung nagugutom pa ba siya dahil oorder daw ito ulit. Syempre, tumanggi na siya. Kakahiya na kaya. Ni isang slice ay hindi na niya ito natirhan dahil tuwing inaalok niya ang lalake ay tumatanggi lamang ito.
Nandoon siya hanggang sa matapos ang practice nito at pinahintay rin siya nito na matapos ang lalake sa pag-shower. After that ay dinala nitong lahat ang sariling bag at pati gamit niya pwera na lamang sa shoulder bag niya na mabilis niyang inagaw dito dahil talagang nahihiya na siya. The teasing looks from his teammates, most especially Joshua didn't help at all.
Yohan asked her kung saan ba daw niya gustong kumain ng dinner, dahil sa hiyang naramdaman ay nag-suggest siya na doon sa "Tusok-Tusok" na lamang. It was a simple place full of street food stalls. Mura lamang doon pero masasarap ang mga pagkain. Besides, busog na busog na siya sa one box of pizza na kinain niya ng mag-isa kanina. Hindi na niya kayang kumain ng rice para hapunan.
Ngayon nga'y nasa boarding house siya at nag-aayos. Sinuggest kasi niya kay Yohan na iiwan niya muna ang mga gamit niya dito para naman hindi na sila need magdala-dala ng maraming bagay mamaya. She also told him na sumakay na lang sila ng tricycle papunta doon dahil tiyak na wala itong mapapag-parkingan kung dadalhin nito ang sasakyan. Nagpaalam na lamang siya sa landlady niya na ipa-park muna nila ang sasakyan ng lalake doon. He didn't even voice out any rejection on the idea and just followed whatever she said like an obedient child.
Tumingin siyang muli sa salamin at sinipat-sipat kung pantay lang ba ang pulbos sa mukha niya. Kumuha rin siya ng lip tint at naglagay ng kakaunti niyon sa labi bago napatingin sa suot-suot niyang jersey.
'Don't change your clothes'
That's what he said earlier. Napakagat siya sa ibabang labi dahil ang suot na damit ni Yohan ngayon ay ang kaparehas ng uniform nito last year na suot-suot niya rin ngayon. Alam niyang usually ay nagpapatahi ng tatlong extra jersey uniform si Yohan kada nagpapalit ang soccer team ng uniform annually. Ang hindi niya lang ini-expect ay ang damit na sinuot nito after nitong mag-shower kanina ay ang isa sa mga extra uniforms nito na kaparehas ng suot niya ngayon. Para tuloy silang naka-couple shirt.
Mas namula pa siya nang mapagtanto na si Yohan mismo ang nag-utos sa kaniya na dapat magkaparehas sila ng suot ngayon. Unti-unti niyang dinampot ang unan niya at malakas na pinaghahampas ito sa kama. Iyon na lamang ang naisipan niyang gawin upang maibsan ang kilig na nararamdaman. Hindi naman siya maaaring sumigaw at baka marinig pa siya ng lalake sa labas.
Nang sa wakas siya'y mahimasmasan ay pinakalma muna niya nag sarili bago tuluyang lumabas ng boarding house. Katulad ng kanina ay matiyagang naghintay sa kaniya si Yohan sa labas. Nakasuot ito ngayon ng jersey sa pantaas at pantalon sa ibaba kapares ng puting sapatos nito. Siya naman ay suot rin ang jersey nito ngunit ang kaninang jogging pants ay pinalitan niya ng shorts. Agad namang napakunot ang noo ni Yohan dahil sa nakita kaya naman agad-agad siyang nagsalita.
"Mainit," sheepish niyang palusot. Mukhang hindi ito kuntento sa sinabi niya ngunit salamat sa Diyos ay hindi na ito nagreklamo.
"Let's go," seryoso nitong ani bago naunang naglakad. Siya naman ay ngingiti-ngiting sumunod lamang dito.
"Salamat pala sa libre!" she happily chimed while trying her best to keep up with his pace. Hindi nagsalita si Yohan bagkus ay tumango lamang. "Salamat rin sa jersey," dagdag niyang sabi dahil ang awkward naman siguro kung kakain sila mamaya ng dinner na hindi man lamang nag-uusap. Yohan just nodded his head again as an answer.
Psh . . . Ang maldito naman ng lalakeng ito.
Ang kaninang kilig na nararamdaman ay unti-unting nawala at napalitan ang ngiti sa kaniyang mga labi ng isang busangot na mukha. Asang-asa pa naman siya na date ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayon ngunit para atang bibitayin ang lalake dahil sa pagsama niya dito. Nang huminto sila sa may pedestrian lane ay napadungo siya at tiningnan na lamang ang white shoes niya. Ngayon niya lang napansin na kahit pala sapatos ay parehas sila ni Yohan. Kaysa kiligin muli ay humaba lamang ang nguso niya sa inis.
Uwi na lang kaya ako?
She was fidgeting her fingers while her head was still looking down. Ni hindi na niya pinansin ang ibang mga estudyante na kasabayan nila ni Yohan na tatawid sa pedestrian lane dahil sa lungkot na nararamdaman. Rinig niya na pinagbubulungan sila ni Yohan ng mga ito dahil na rin sa suot nila ngunit hindi na niya iyon inisip.
Bad mood ako ngayon. Ayaw gyud ko hilabti.
Nakadungo pa rin siya kaya naman hindi niya napansin na tumatawid na pala ang mga kasabayan nilang naghihintay ng green light. Saka niya lang napansin iyon nang mahinang bumulong si Yohan. "Hoy, tanga. Green light na." He was insulting her but the tenderness could still be heard in his voice. Ayaw niya ulit mag-assume pero para itong nanlalambing.
Matapos sabihin iyon ay hinawakan nito ang kamay niya at maingat siyang hinila papatawid ng pedestrian. Malakas niyang hinila ang kamay papalayo dito at nagreklamo, "Kaya kong tumawid."
Inis siyang nilingon ng lalake. "Don't you remember that you need to hold hands when crossing the street." He took her hand back again and grasp it tightly while gently pulling her to the other side of the road.
"Hoy! Para sa mga elementary iyon!" she huffed in annoyance and tried getting her hand away from him again. Pinagtitinginan na sila ng ibang tumatawid pati na rin ang mga driver na naghihintay na makatawid sila. Para silang mag-jowa na may LQ dahil sa gitna sila ng daan nag-aaway.
"Sa pandak mong iyan, sino ba hindi maiisip na elementary student ka?!" inis na sagot nito sa kaniya habang patuloy sa paghila sa kamay niya.
"Hoy! Huwag kayo dito maglandian!" sigaw ng isang motorcycle rider sa kanila kaya naman agad siyang napatigil sa pagpupumiglas sa pagkakahawak ni Yohan. Nagpadala siya sa paghila ng lalake dahil na rin sa hiyang nararamdaman. Akala niya ay bibitawan na siya nito pagkarating nila sa kabilang side ng daan ngunit mas hinigpitan pa ng lalake ang paghawak sa kamay niya.
"Akin na kamay ko. Nakatawid na tayo," she said while trying to pull her hand away from his iron grasp. Take note of the word "try" dahil sa totoo lang ay tila nakikipag-away siya sa pader. Ang higpit ng hawak nito sa kaniya na para bang kahit na anong gawin niya ay hindi siya makakawala dito.
"I'm not letting you go. Baka bigla kang mawala. Tanga ka pa naman," ika nito habang pumapara ng tricycle. Siya naman ay hindi makapaniwalang napanganga habang nakatingin dito.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o mainis sa mga sinasabi nito sa akin.
A/N: Pasensya na sa sabaw na update!!! T_T I'm still making my thesis and wala na akong oras magsulat masyado ng update. T_T
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."