"Querida, ¿no tienes hambre? No has comido nada desde ayer." Apple Pie look up at the old woman while it was speaking to her in a very worried voice. Matapos sabihin iyon ay mabagal nitong nilapit sa kaniya ang plato na naglalaman ng umagahan nila bago muling binuksan ang bibig. "Aquí. Come hasta saciarte. Te vas a enfermar si todavía te niegas a comer."
(My Dear, aren't you hungry? You haven't eaten anything since yesterday.) (Here. Eat your fill. You're going to get sick if you still refuse to eat.)
She may not understand what the old woman was saying, but she does realize that she was urging her to eat. Dahil sa pangungulit nito ay napilitan siyang tumingin sa plato na puno ng pagkain. Mukhang sinadya dahil alam ng mga ito na hindi siya kumain kagabi. Matapos kasi niyang matuklasan ang patay na daga ay agad niya itong tinapon sa labas ng kaniyang bintana at umaktong hindi siya nagugutom kaya hindi nagalaw ang pagkain. Takot man siya ngunit mas mainam na hindi alam ng kung sino mang kalaban na alam niya ang plano nito.
Na-interrupt ang kaniyang pag-iisip sa biglaang pagsasalita ni Heneral de Castro. Hindi ito dito sa bahay natulog ngunit maaga na naman itong bumisita sa kaniya kaya naman nadamay sa agahan nila. "Ika ni Tiya Lourdes na kumain ka na raw. Nag-aalala lamang siya sapagkat hindi nagalaw ang hapunan mo kagabi. Baka raw magkasakit ka." She looked at him and then smiled as a sign of thanks on translating for her. Kung wala pa ang lalake ay tiyak mukha siyang tanga sa harapan ng tiya ni Christina. Hindi sila magkaintindihan.
She glanced back at the old woman and saw her smile at her so kindly. Her face looks like the typical loving grandma that knits sweater and hands out cookies for you. Ang bait nitong tignan ngunit hindi pa rin matanggal-tanggal sa isipan niya ang nangyari kagabi.
Who did it? One of the maids? Tiya Lourdes herself?
Ang sakit ng ulo niya kagabi kakaisip kung sino ba ang kalaban niya sa pamamahay na ito. Ginugol niya ang buong gabi sa pagsusulat ng liham para kay Yohan. Bahala na ngunit nagsumbong siya. Kahit nais niyang iresolba ang gulo sa buhay ni Christina ng mag-isa, hindi pa rin niya maikakaila na sa pagkakataong ito ay kinakailangan na niya talaga ng makakapitan. She begged Yohan to get her back. They could elope for all her care! Ang nasa isip niya ay masaya na siya basta makaalis na siya sa bahay na ito.
She sneaked one glance at the old woman again before looking down at her plate full of food. Kung hindi pa siguro nangyari ang tangkang paglason sa kaniya kagabi ay tiyak na nilamon na niya ang pagkain sa harapan niya. It was all-authentic Filipino breakfast consist of tapa, longganisa, sunny side up, danggit and tortang talong. Sa may gitna ng lamesa ay kanin at pandesal, siguro ay para siya na lamang ang pipili kung anong nais niyang ipares sa mga ulam. It was clearly a poor attempt to cheer her up after taking her away from Yohan.
Aaminin niyang talagang gutom siya ngayon ngunit hindi pa rin niya kayang magtiwala sa kahit kanino. With an empty stomach and an aching heart, she slowly pushed the plate away from her and murmurred, "Hindi po ako gutom."
From her peripheral vision, she saw Heneral de Castro and Tiya Lourdes looking at each other. Worry was evident from their eyes. Mukhang nag-aalala dahil kahapon pa siya walang kain. Hindi na niya pinansin iyon at dahang-dahang tumayo at umalis sa kaniyang upuan. She slightly bow as a sign of respect. "Pagpasensyahan niyo na po ngunit nais ko po sanang magpahangin muna sa labas."
The old woman nodded her head and that was her cue to finally leave the room. Sa wakas ay nakahinga na siya. Nang masiguradong malayo-layo na siya sa kusina ay palihim naman niyang kinuha mula sa bulsa ang maliliit na bisquit na pinabaon sa kaniya ni Elisa. Iyon na lamang ang kakainin niya dahil at least alam niyang ligtas at malinis iyon.
She took a bite of the slightly soggy biscuit that she has been saving since last night and closed her eyes on that heavenly feeling of finally putting something in her stomach. Sinadya niyang hindi kainin iyon kagabi para pwede niyang pantawid-gutom ngayong araw.
Habang unti-unti niyang kinakain ang biscuit na iyon ay napagdesisyunan niyang mag-ikot-ikot sa labas. It would be better if she became familiar with her surroundings. Nag-take note rin siya sa iba't-ibang way na pwede niyang gamitin pangtakas sakaling may gulong mangyari. Nilibot niya ang buong bahay mula sa labas hanggang sa makarating siya sa may isang bahay-kubo na mukhang kusina kung saan nagluluto ang mga katulong. Mukhang nakahiwalay upang hindi pumasok sa mansyon ang usok mula sa dapugan. May nakita siyang batang babae sa may bandang labas at mukhang nagpapadpad ng kalamunggay. Lumapit siya dito at handa na sana itong tumakbo papasok ng kusina at mukhang magtatago ngunit mabilis niya itong pinigilan.
"Ineng! Huwag ka munang umalis!" pagpigil niya dito na nakapagpalingon naman sa bata sa kaniya. Nag-squat siya para magka-eye level sila ng bata at hinawakan ang kamay nito. "Maaari bang magtanong kung anong pangalan ng katulong na naghatid ng hapunan ko kagabi?" Kinakailangan niyang makakuha ng leads sa pagtangkang pagpatay sa kaniya kagabi. Ang only way lang para malaman niya iyon ay kung malalaman niya kung sino ang naghatid ng pagkain niya.
Mukhang kinakabahan pa ang batang babae dahil sa presensya niya ngunit nang makita ang mabait niyang ngiti ay kaagad namang nakakuha ng lakas ng loob upang umiling. "Hindi ko po alam. Taga-gayat lamang po ako ng lulutuin dito."
She disappointedly sigh but proceeded to let go of the child. Aalis na sana ulit ito ngunit may natandaan na naman siya. "Sandali!" Agad namang lumingon ang bata at nagtatakang tumingin sa kaniya. "May pabor sana akong hihilingin. May liham akong nais ipadala sa isang ginoo na nakatira sa kabilang bayan. Babayaran kita kung saka-sakaling tatanggapin mo ang munting trabaho na ito."
She fished out the letter from her skirt along with some money that she thought would be enough payment. Nilagay niya iyon sa palad ng bata at nginitian ito. No one should know about her contact with Yohan. Baka maghinala ang kaniyang tiya. The little girl nodded in agreement before finally going back inside the kitchen.
Siya naman ay satisfied na tumayo at pinagpag ang kaniyang saya bago napagdesisyunang bumalik sa kaniyang kwarto. Once na matanggap na ni Yohan ang sulat niya ay malalaman na nito ang nangyayari sa kaniya. Yohan would surely rescue her from this hell hole. Nakangiti siyang umalis at bumalik sa loob ng mansyon.
Lingid sa kaalaman ni Apple Pie, matapos nitong makapasok sa bahay ay lumabas sa pinagtataguan na puno si Heneral de Castro. He trudged towards the kitchen and immediately went inside, scaring the little girl from earlier. "Ibigay mo iyan sa akin," ika nito sa bata. Agad namang sumunod ang batang babae at binigay sa heneral ang liham at ang perang kalakip, takot at nangangamba na parurusahan ito. Walang ganuong intensyon ang heneral bagkus ay kinuha lamang ang liham at binigay pabalik sa bata ang pera at dinagdagan pa nga. Kunot-noo nitong tinignan ang liham at nang makita ang pangalan na padadalhan ay kaagad na linukumot ang papel ang tinapon iyon sa dapugan kung saan malakas pa ang sindi ng apoy dahil sa kaning niluluto.
Nilingon nito ang bata bago nag-ika, "Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na kinuha ko ang liham na pinadala sa iyo ni Binibining Christina. Kapag nagtanong siya ay sabihin mong naihatid mo na iyon. Kung sakaling may ipasuyo siyang liham sa iyong muli ay kaagad mong ibigay sa akin. May kalakip na salapi ang kooperasyon mo." Lumingon ito sa kawalan bago nagsalitang muli, "Ako naman ang haharang sa iyo, Magbanua."
BINABASA MO ANG
My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)
Historical Fiction"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."