Chapter 48

430 49 15
                                    

"Yohan! Mind your manners! Hindi kita pinalaking ganiyan!" parang tatay na sita ni Kuya Zy kay Yohan.

Umigiting ang panga ng lalake na para bang nais na sagutin ang kuya nito ngunit mukhang pinigilan na lamang ang sarili at padabog na naglakad papalabas ng sala. "Xav! Boxing!" sigaw nitong ika kay Xavier bago ito tuluyang nawala sa paningin nila.

Nagtataka siyang napalingon kay Xav nang tumayo ito at mahinang tinapik ang balikat niya. "Papakalmahin ko muna si Kuya." Sinundan niya ng tanaw ang lalake habang naglalakad ito sa kaparehas na direksyon na tinahak ni Yohan.

Malakas siyang napabuntung-hininga bago binalik ang atensyon kay Kuya Zy. "Sa tingin ko ay marami tayong dapat na pag-usapan," paunang sabi nito na nagpabalik ng ala-ala niya sa lahat ng mga nangyari noon.

 Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi bago matapang na hinarap ang nakatatandang lalake. "Do you see how much your brother hates me now?"

"I'm . . . I'm sorry . . ." For the first time in her life ay narinig niyang nag-stutter si Kuya Zy. He had always portrayed himself as a confident, no-nonsense type of guy. Ito ang definition ng isang dependable na lalake dahil parang may plano na ito sa lahat ng maaaring mangyari. Just seeing him be so guilty and sorry just doesn't seem to fit in his image.

"Your sorry won't change anything, Kuya Zy. You promised me na babalikan mo ako after a year. You promised me na may plano ka para sa amin ni Yohan. Now, look what happened! Your sorry is one year late already and your brother hates me now!" Hindi niya napigilan ang sarili na mapataas ang boses dahil sa sakit na nararamdaman. Umasa siya noon dahil nangako si Kuya Zy sa kaniya. She counted each and every day until she would be reunited with Yohan again. Nang lumipas ang isang taon at hindi pa rin siya nito binabalikan sa apartment na binigay nito sa kaniya ay siya na mismo ang naghanap ng paraan upang makalapit sa magkakapatid. She traveled to their house - the same house that she would often go to every weekends back when she was still in college. Doon tuluyang naisampal sa kaniya ang katotohanan dahil nakita niya ang mga ito na masaya. Papalabas ang mga ito sa bahay at mukhang magdi-dinner sa isang restaurant. 

They looked happy and contented . . .

. . . without her.

Masakit.

Masakit dahil sa maikling panahon ay sila na ang tinuring niyang pamilya. Yaong tipo na maglu-look forward ka sa weekends dahil may uuwian ka. Yaong magiging excited ka sa mga achievements mo dahil may masasabihan ka. Ngunit na-realize niya na baka nga masyado siyang ilusyunada dahil nakikisalamuha siya sa mga ito. She then remembered what Gwyneth would often tell her before.

"There's a reason why the rich x poor plot is such an overly used cliché in books and movies. It's not because writers can't think of anything new. It is because that plot is true in our society."

Rich families would most often guard their family line from anything that can pull it down. Poor people would often be seen as incompetent, stupid, and lazy. Na para bang kasalanan namin kung bakit kami mahirap. Pakiramdam niya na para siyang basurera na naghangad na makasama sa pamilya ng mga lawyers. Napagtanto niya na kahit pa nakapagtapos siya ng pag-aaral, basta ba't galing siya sa mahirap na pamilya ay dumi pa rin siya sa paningin ng mga mayayaman. Pero kung ang isang mayaman na hindi nakapagtapos ng highschool ang itatabi sa kaniya ay tiyak na ito pa rin ang papanigan. 

Life was so easy when you were rich, pretty, and famous. That's the truth.

"I know it's too late pero gumagawa na ako ng paraan, Apple Pie." Natigil siya sa kaniyang malalim na pag-iisip nang marinig muli ang boses ni Kuya Zy. 

Kunot-noo niya itong tinitigan bago nagtanong, "Anong ibig sabihin mo Kuya?"

Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga nito bago siya sinagot. "Ako ang dahilan kung bakit na-hypnotize ka. Ako ang kumausap sa kaibigan mong si Gwyneth upang papuntahin ka sa condo ni Yohan. I was behind you when you fell asleep. I honestly didn't fathom that you would get hypnotized that quickly. Kakausapin pa sana muna kita bago ka pumunta dito."

Pagak siyang napatawa ngunit sa totoo lang ay hindi siya natutuwa. Inis na inis siya. "You left me hanging for two years and then you would just suddenly disrupt the peaceful life that I made for myself! Why?! Huh?! Dahil ba nagi-guilty ka na?! Dahil ba alam mong sinira mo ang kinabukasang pinapangarap ko?!"

"I know I fucked up but my plans didn't go as I expected and I was forced to move all of it later than intended. Honestly, I was planning to contact you by the end of the year at hindi ngayon. Something just happened and I felt like we don't have enough time," pagpapaliwanag nito na nakapagpakunot ng noo niya. Kahit pa nais itong pakinggan ay pinipilit pa rin siya ng utak na umalis at iwan ang lalake. She stood up and was about to leave the sala when Kuya Zy suddenly spoke again, making her stop in her tracks. "Yohan is planning to get married by the end of the year."

Agad siyang napatigil nang marinig ang sinabi nito. Unti-unti siyang lumingon muli sa lalake at nakita ang nag-aalalang mukha nito. "May nililigawan siyang binibini ngayon at usap-usapan na siya ang napupusuan ng mga magulang nito upang maging kabiyak ng anak ng mga ito. Last time I heard, they were planning to get their one and only daughter married by the end of the year. I talked to Yohan and he doesn't have any objections about it."

Pagak na naman siyang napatawa habang nararamdaman ang mga luhang unti-unting tumutulo mula sa kaniyang mga mata. "So why did you bring me here? Para ba ipamukha sa akin kung gaano kaperpekto iyang future bride ni Yohan. Oh! I bet she is so beautiful and perfect! Yung tipo na hindi niyo ikakahiyang ipakita sa mundo! Yung tipo na hindi katulad ko . . ."

"Apple Pie, it's not like that-" akma na sanang ia-assure siya ni Kuya Zy ngunit pinigilan niya ito.

"Stop with your bullshits, Kuya Zy! Ang mahirap sa inyo ay tine-take for granted niyo lang ako! Oo, tumatawa ako! Oo, nagjo-joke ako! Oo, mukha akong masaya pero hindi niyo alam kung gaano kahirap pilitin ang sarili ko na gumising araw-araw!" iyak niyang sabi bago muli itong tinalikuran at naglakad papunta sa hagdanan. "Pakisabi na lang kay Xav na makikitulog ako sa kwarto niya," ika niya habang lakad-takbong pumanhik sa pangalawang palapag at naghanap ng kwartong maaaring pagtaguan.

She wanted to be alone.

Alone . . . she has always been like that. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon