Chapter 66

520 46 14
                                    

Apple Pie opened her eyes and immediately felt disoriented by her surroundings. Masakit and ulo niya at tila doble ang mga bagay na nakikita niya. Napakunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa puting kisame. Ang mahinang tunog ng aircon ang tila nagpagising sa diwa niya.

Oh, God! I'm back in the future!

Panic siyang tumayo at napalingon-lingon sa kaniyang paligid at agad na na-process ng utak niya na nasa loob siya ng kwarto ni Yohan. Napatingin naman siya sa kaniyang gilid at nakita ang natutulog na porma ng lalake. It was his original body in the same position as when she first found him. Mukhang may lumipat sa kaniya papunta sa kama ni Yohan dahil tanda niyang sa sahig siya lumagapak nang ma-hypnotize siya.

"Oh no no no . . . " kinakabahan niyang ani habang nari-realize na kung nakabalik na siya sa panahon niya ay ibig sabihin lamang niyon na wala na ang tiyansa niyang makipagbalikan kay Yohan. Agad-agad naman siyang humiga muli at pumikit kahit na hindi siya sigurado kung makakabalik ba siya. She exhaled and inhaled several times to calm herself down before willing herself back to sleep, hoping that she would wake up next to Yohan's other self. 

Nang muli niyang buksan ang mga mata ay para bang maiiyak siya sa tuwa. Ang mukhang bumungad kasi sa kaniya ay kay Eduardo, ang past self ni Yohan. He was peacefully sleeping next to her, unaware of what was happening. She did again what she did earlier and closed her eyes. When she opened them again, she was back in the future.

That was when she realized . . . kaya niyang kontrolin ang pagpunta at pagbalik sa future at sa past. She did it even without the hypnotism recording playing at the background. 

Binalik niya ang sarili sa nakaraan at paulit-ulit na nag-back and forth sa dalawang panahon. She just wanted to make sure that she would be able to control her time travelling. Nang ma-satisfied at naging confident na siya sa kaniyang kakayahan ay bumalik na siya sa nakaraan at napili naman niyang panoorin si Yohan habang natutulog ito. Yohan's face and Eduardo's face looked a little bit the same. Parehas na inosenteng pang-anghel ang mga mukha nito. 

I can't tell him what I had just discovered. Baka hindi na siya nito pabalikin dito sa nakaraan kung malaman nito ang nagagawa niya.

Unti-unti niyang hinaplos ang pisngi ng natutulog na lalake habang iniisip kung ano ba ang dapat niyang gawin upang pakinggan na siya nito. They were back in square one again. Parang noong college pa lamang sila at nagsisimula sa kanilang relasyon. They would make out - a lot. After niyang pumayag sa kondisyon nitong makikinig na siya dito palagi kapalit ng pagbibigay nito ng chance na makapagpaliwanag siya, naging mas intimate na sila. He would kiss her all the time but that's it. He won't go more than that and she knew that it was because he still respects her.

Sa loob-loob niya ay nakakaramdam pa rin siya ng pag-asa dahil doon. She was still important to Yohan and even if he won't talk to her about the true standing of their relationship right now, alam niyang hindi siya nito sasaktan. Malaki ang tiwala niya na mahal pa rin siya nito dahil na rin sa sinabi ni Xav sa kaniya kahapon. 

Inaya kasi sila nito na doon na lamang sa bahay nito matulog, kahit nga si Kuya Zy ay nandoon muna tumuloy. Kailangan kasi nilang bumalik doon dahil pag-uusapan nila ang kondisyon ni Elisa. She was alright with it but Yohan firmly said no. Gusto nitong umuwi talaga sila. Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ganuon na lamang ang reaksyon nito, ngunit nang sabihin ni Xav sa kaniya na na-trauma lang talaga ang kuya nito sa kaisipang wala siya sa bahay nito ay doon na niya napagtanto ang lahat.

Yohan hates the thought of his house without her.

Para bang takot na takot na ito sa kaisipang wala siya sa pamamahay nito. Kahit pa man sabihing magkasama naman sila sa bahay ni Xav ay ayaw pa rin nitong maisip na wala siya sa bahay nito. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon